Dangal

23 0 0
                                    

Anong sarap magbigay ng karangalan,

Lalo na't kung ito'y para sa inang bayan.

Masarap nga magbigay ng dangal sa kapamilya,

Ano pa't kung ito'y para sa bayang minumutya.

Kapag ika'y nakakapagbigay ng dangal,

Lahat ng tao sayo'y magmamahal.

Marami ang sayo'y titingala,

At sasabayan pa ng pagtitiwala.

Kahit ibang lahi'y sayo'y magbibigay pugay,

Dahil sa karangalang naibigay.

Habang ang mga kalahi'y nagsusubaybay,

Sa iyong pagtatagumpay.

Kaya't tayong mga kabataan,

Magbigay tayo ng karangalan.

Sa kadahilanang tayo ang kinabukasan,

Ng minamahal nating inang bayan.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon