Musika ng Nakaraan

42 0 0
                                    

Kay sarap namang pakinggan,

Nang mga musikang nagpapaalala sa aking nakaraan.

Mga kakaibang pagkakataon,

Sa iba't-ibang panahon.

'Tila yata gusto kong balikan,

Ang mga panahong aking nilisan.

Ang mga pagkakataong aking iniwanan,

Kay hirap makalimutan.

Sa pagdaan ng mga araw,

'Tila yata buhay ko'y nagsimula nang guminaw.

Dahil sa mga panahong lumipas,

Na sadya lamang lumampas.

Mabuti't mayroong musikang nagpapaalala,

Sa akin sa mga panahong ako'y masigla.

Mga musikang nagpapaalala sa aking mga napagdaanan,

At higit sa lahat, sa aking mga karanasan.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon