Abandunado

16 0 0
                                    

Bakit parang hindi ko kayang tumawa?

Gusto kong magsaya, nguni't hindi ko magawa.

Pakiramdam ko'y mayroong mahalagang bagay na nawala,

At mahirap mahirap na itong muling makita.

Nasaan na ang dahilan ng dati kong sigla?

'Tila ba isang kasiyahang nagwakas lamang bigla.

Alam kong ang araw ba ito ay sasadya,

Nguni't bakit parang hindi pa ako handa?

Wala na akong nagawa, kun'di ika'y titigan,

Ang sakit pala ng iyong paglisan.

Nagpaalam ka na nga at ako'y iniwan

Nguni't ang ating mga ala-ala'y hindi ko makalimutan.

Sinabi mo'y babalik ka,

Sana ito'y maging totoo nga.

Nguni't hindi na ako aasa pa,

Baka pagbalim mo'y may iba ka na.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon