Sa Lahat, Salamat

23 0 0
                                    

Sa lahat ng nakilala at kumilala,

Salamat na lamang sa mga alaala.

Sa lahat ng nakasabay at sumabay,

Salamat at kayo'y nakisabay.

Sa lahat ng nakisama at sumama,

Salamat na lamang sa inyong pakikisama.

Sa lahat ng nakiisa at nakikiisa,

Salamat na lamang sa pagkakaisa.

Sa lahat ng mga nakibuklod at bumuklod,

Salamat na lamang sa pagkakabuklod.

Sa lahat ng mga naging kaibigan at kumaibigan,

Salamat na lamang sa pagkakaibigan.

Sa lahat ng nagawa ninyong mga bagay,

Salamat at buhay ko'y naging makulay.

Mabuti man ito o masama,

Ako ay nasisiyahan at natutuwa.

Ako man ay inyong tinalikuran,

Hindi ko kayo iiwanan.

At kahit ako man ay inyong pinabayaan,

Mananatili ko kayong mga kaibigan.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon