Si Leytenio at Si Yolanda

7 0 0
                                    

Ako si Leytenio Nawasak,

Pangalan ko'y larawan ng pagkawasak.

At pagkasira ng matagal kong pinaghirapan,

Ang magkaroon ng sariling katauhan.

Isang mapanuksong lahi ni eba ang dahilan,

Ng tuluyang pagkasira ng matagal kong pinaghirapan.

Yolanda de Lubio,

Ang pangalan niyang buo.

Ako'y kanyang nilapitan,

At isinabog ang kanyang kalupitan.

Pinilit niya akong tuksuhin,

Kaya't katauhan ko'y napakahirap nang ayusin.

Natikman ko ang kanyang lupit,

Sa panandali-an niyang paghagupit.

Kaluuban ko'y nagkapira-piraso,

Sa pagdaan nitong mapanuksong delubyo.

At sa kanyang paglisan,

Nakagapang ako na naiwan.

Pinipilit kong tumayo,

Habang siya ay papalayo.

Kailangan kong bumangon mula sa pagkabagsak,

At ayusin ang katauhan mula sa pagkawasak.

Kailangan kong umahon,

At kalimutan ang bangungot ng mapaminsalang kahapon.

Ako si Leytenio Nawasak,

Ako ay muling babangon mula sa pagkawasak.

Ikaw, Yolanda de Lubio,

Hindi ko kakalimutan ang mapaminsala mong tukso.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon