Pagyuko't Pagluhod

16 0 0
                                    

Sa bawat pagsigaw sa iginigiit,

Kapalit naman ay pasakit.

Sa bawat paglaban sa karapatan,

Nadadagdagan naman ang kalaban.

Sa bawat pagsalungat,

Naaantala naman ang pag-angat.

Sa bawat pagpapakabug,

Unti-unti namang lumulubog.

Sa bawat pagpapakita ng negatibo,

Dahan-dahan namang naaabo.

At sa bawat pagpapakita ng lakas,

Unti-unti namang naaagnas.

Sa oras pala ng muntikang kamatayan,

Maaaninag ang katutuhanan.

Katutuhanang hindi naman nawala,

Naging bulag lamang ang mga mata.

Napiling mamuhay sa kasinungalingan,

At gumawa ng samut-saring mga kabulastugan.

Sa pag-aakalang minsan pa'y mapapalakpakan,

Nguni't ang nangyari nama'y kabaliktaran.

Ngayo'y hinihingi ang kapatawaran,

Sa lahat ng mga nasagasaan.

Hindi man maibalik ang dating samahan,

Hangad ko'y mapatawad man lamang sa mga nagawang kamalian.

Tatanawin ko itong isang aral sa buhay,

At sa musmos kong pamumuhay.

Maraming salamat sa inyong pagsusubaybay,

Pangako, babangon ako't muling mabubuhay.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon