Isang taon na pala noong lumusong ako,
Sa napakaraming mga tao.
Dala ko'y tatlong batang dayuhan,
Na maingat kong binabantayan.
Hindi ko mapigil ang nararamdamang kaba,
Na maaaring sila'y mawala.
Mahigpit ko silang hinawakan,
Baka sakaling magkatulakan.
Tiniis namin ang mga patak ng ulan,
Makita lamang ang nais mamasdan.
Napakasaya ng mga bata,
Nang lumabas na ang gusto nilang makita.
Ako'y natutuwa't kanilang nasilayan,
Ang isang bahagi ng kulturang aking nakasanayan.
Napakalungkot lamang isipin na sa kabila ng pagod, takot at kabang naramdaman,
Dalawang-daan lamang ang kabayaran.
BINABASA MO ANG
Mga Obra Maestra ng Makabagong Makata
PoetryKaramihan sa aking mga panulat ay matagal ko nang naisulat. Simula noong nagsimula akong magsulat, walong taon na ang nakalipas (2006). Ngayon ko lang ito nailathala sa pamamagitan ng "wattpad".