Tunay Na Kaibigan

50 0 0
                                    

Mahirap magpaalam sa isang kaibigan,

Lalo na kung marami kayong napagdaanan.

Marami kayong mga karanasan,

Na sadyang hindi makalimutan.

Nauna man naimulat ang iyong mga mata,

Itinuring naman kitang kuya.

Magkaiba man ang ating pinagmulan,

Itinuring naman kitang tunay na kaibigan.

Ikaw ang aking naging sandalan,

Sa oras ng aking kagipitan.

Ikaw ang nagsilbing gabay,

Sa musmos kong pamumuhay.

Ilang araw na lamang at tayo'y magkakahiwalay,

Huwag mabahala't sayo ako'y magsusubaybay.

Paalam na sa'yo tunay na kaibigan,

Maraming salamat sa iyong kabutihan.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon