Kaligayahan

31 0 0
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas,

Ng pagmamahalang kumupas.

Matapos hayagang pinagdudahan,

Ay nagkaroon ng katapusan.

Ang dating kasalukuyan,

Bahagi na lamang ng aking nakaraan.

Ang inaakalang pag-ibig na walang hanggan,

Nauwi lamang sa hiwalayan.

Natuldukan man ang dating pagmamahalan,

Wala namang pinagsisisihan.

Bunga man ito ng isang kasalanan,

Abot-langit namang natutuwa sa kasalukuyan.

Sa unang taon ng pagmamahalan,

Hangad ay tunay na kapatawaran.

Kapatawaran sa nabigong nakaraan,

At pagbibigay pugay sa makulay na kasalukuyan.

Tanggapin ang katutuhanan,

Na ang panahon ng pagsasama ay hindi magiging batayan.

Batayan sa tunay na kaligayahan,

At sa mangyayari sa kasalukuyan.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon