Patak ng Ulan

28 0 0
                                    

Napakatahimik ng kapaligiran,

'Tila ba kami'y nawalan.

Tanging tunog na maririnig ay ang patak ng ulan,

Na pumapatak sa aming bubungan.

Nangangahulugan ba ito ng kalungkutan?

Dahil sa paglisan ng isang kasamahan.

Nakikiisa ba ang buhos ng ulan?

Sa kalungkutang aming nararamdaman.

Ngayong kami'y nalagasan,

Ano kaya ang aming kahihinatnan?

Mayroon pa bang natitirang paraan,

Upang lungkot namin ay maibsan.

Sana nga lamang kaibigan ay magtagumpay ka,

Sa ginawa mong pagpapasya.

Batid namin na ito'y para sa iyong pamilya,

Kaya't magpakatatag ka.

Maraming salamat kaibigan,

Sa panahong ika'y aming naging kasamahan.

Sana ika'y lubos na masiyahan,

Sa ngayo'y tinatahak mong daanan.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon