Salapi

14 0 0
                                    

Hindi daw nito mabibili ang lahat ng bagay,

Nguni't bakit may ilang mga tao na dahil dito'y pumapatay?

Kumilitil ng mga buhay,

Makakuha lamang ng kahit kakarampot nito na itinuring nilang tagumpay.

Dahil din naman sa bagay na ito,

Mga pilitiko'y nag-aagawan sa puwesto.

Pakapalan ng mga mukha,

Makamit lamang ang bagay na pang garapal ng hiya.

Hindi daw nito mabibili ang kasiyahan?

Nguni't ang lungkot naman kung ito ang iyong kakulangan.

Napakasakit tanggapin ng katutuhanan,

Na kung wala ka nito, wala ka di'ng kaibigan.

Ganito ba talaga ang buhay ng tao?

Hindi mabubuhay kung wala ang bagay na ito?

Mabuti pa ito, may tao,

Samantalang ang tao nagpapakahirap, magkaroon lamang nito.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon