Babala

13 0 0
                                    

Huwag masyadong maniwala,

Sa mga bagay na madaling makita.

Huwag masyadong talasan ang paningin,

Baka mata'y sungkitin.

Huwag masyadong lumuha,

Baka walang mapala.

Mata'y huwag masyadong ipikit,

Baka mayroong makapuslit.

Huwag masyadong ngumiti,

Baka hindi matanggap ang pighati.

Huwag masyadong gamitin ang lakas,

Baka wala nang matira pagkabukas.

Huwag masyadong magtiwala sa sarili,

Baka pagtawanan lamang ng nakararami.

At huwag masyadong maghugas ng kamay,

Baka manganib lamang ang buhay.

Mga Obra Maestra ng Makabagong MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon