Sa pagbisita ko sa dating tinutuluyan,
Naalala ko ang isang bahagi ng aking nakaraan.
Nasagi sa aking isipan ang kasiyahan,
Na kamakailan lamang ay natuldukan.
Ang mga tawanan at halakhakan,
Na nagkaroon ng katapusan.
Ang mga ginagawang paglabas,
Na sadya na lamang lumipas.
Ang mga masasayang pagkakataon,
Na dapat nang ibaon.
At ang mga ngiti,
Na kailanman ay hindi ko na maiuuwi.
Sadyang napakasakit ng katutuhanan,
Na ang bawat nasimulan ay mayroong katapusan.
Marahil ay dapat ko nang lampasan,
Ang pagiging balakid ng nakaraan.
BINABASA MO ANG
Mga Obra Maestra ng Makabagong Makata
PoetryKaramihan sa aking mga panulat ay matagal ko nang naisulat. Simula noong nagsimula akong magsulat, walong taon na ang nakalipas (2006). Ngayon ko lang ito nailathala sa pamamagitan ng "wattpad".