Chapter 2
Family
"Are you ok, Miss?" Kasabay ng tanong ay ang dahan-dahang pag-alis ng lalaki sa malalaki niyang kamay sa mumunti kong balikat. I nervously face him.
Kailangan ko pang tumingala para makita ko siya. Ang akala kong, matangkad na ako sa edad kong ito ay may mas tatangkad pa pala sakin. I'm just seventeen pero ang height ko ay nasa 5'6 na.
"Miss ok ka lang?" Matigas ang boses na tanong niya. I nod several times before bringing my senses back. The man infront smile.
"K-kailangan ko na palang u-umalis. Pasensya na sa abala. Mauuna na ako at..... Salamat nga pala." Hindi na hinintay pa ang sasabihin niya dahil nakisabay na ulit ako sa naglalakad na mga tao.
"Hays, salamat..." Ani ko sabay buga ng malakas na hangin. Mali yata ang araw ng pagbisita ko sa palengke, dahil may okasyon bukas at aasahan na na marami ang mga turista at lokal duon.
The image of the man earlier suddenly flash in my mind. His almond shaped eyes, the pointy nose, Red kissable lips in it's perfect shape and the perfect shaped jaw. I must say that, that man deserves good compliments because of his good looks or I must say, Perfect look that God created. May ganun pa palang tao?
Umiling na lang ako at binilisan pa ang lakad. Naging mabilis nga ang lakad ko dahil narating ko agad ang lupain ng mga Arcilles. Sa gate pa lang ay tanaw ko na ang mga sports car at mga SUV.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagpasok sa mansion pero sa kusina ako dumaan dahil nasisiguro kong may mga bisita na sa Sala. Tama nga ako dahil sa likod palang ay naririnig ko na ang mga Senyora't senyor na naguusap.
"Ligaya!" pabulong na tawag ni Delia sa akin ng makita akong tahimik na naglalakad. Tinignan ko muna ang paligid saka ko siya nilapitan malapit sa pinto ng maids quarter.
"Ate Delia... " tawag ko rin.
"Hinahanap kana ni Manang sa loob at ipapakilala ka ata sa mga Senyor." ani nito. Tumango lang ako at tinignan pa siya dahil parang may gusto pa siyang sabihin dahil biglang sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi niya. Napangiti rin ako at hinanda ang sariling makinig.
"Alam mo, ligaya, ang gagwapo ng mga senyor natinnnn! Lalong-lalo na ang panganay nina Senyora! Jusmio! Kung anak mayaman lang siguro ako ay matagal ko ng napakasalan yun!" she blurt out while giggling.
"Ilang taon na ba iyon, ate?" I ask her. Medyo nagtagal pa ang pagsagot niya dahil bahagya pa siya nakatingin sa taas at mukhang nagiisip pa.
"Ang rinig ko ay bente kuatro Na iyon bukas. Magkasing edad lang kami." Sagot niya ng syempre, nakangiti.
"Delia! Anong ginagawa mo riyan? Hala siya't pumasok ka at, pagsilbihan mo ang mga senyora sa kwarto nila. At ikaw, ligaya ay maligo na at sinasabay tayo ni Anais sa hapunan. " biglang singit ni Manang na nagpagulat kay ate Delia at sa akin rin.
"Opo manang. Ligaya, mamaya ha?" Tumango na lang ako at umalis na rin agad si Ate Delia. Tinignan ko muna si Manang na mukhang pinapamadali na ako. Tumango na lang ulit ako at saka tinungo ang kwarto namin.
Naligo na ako at naghanap na rin ng medyo magandang damit na masusuot. Just a below the knee pink dress. I don't need to put some Lipstick or what because my lips itself is red. Just a little powder and I'm done.
"Ligaya, tapos ka na ba?" tanong ni Manang pagkapasok niya. Bagong ligo rin at nagkaayos na. Nginitian ko siya at nilapitan.
"Opo. Halikana po. " Hinawakan ko sa braso si Manang at Inalalayan na siya papuntang Dining hall.
BINABASA MO ANG
Love Entity
RomanceBehind the happy lies, are the painful truths. Ang kasinungalingang nabuo ay nabuhay ng mahabang panahon at nagbunga ng masasayang alaala na siya ring sisirain ng masalimuot na katotohanan na itinago. Her love and patience will be wasted for nothin...