CHAPTER 35

156 3 0
                                    

Chapter 35

Deny

"You're here..." Halos mapatalon ako sa narinig na boses sa likod ko.

"S-sid!" Kahit na hindi pa lumilingon ay alam ko na kung sino ang nasa likod. At alam din ito ng lintek kong puso.

"Why do you always leave without telling me huh? You're making me insane. Don't do it again..." Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa beywang ko at isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"I just want to unwind." Palusot ko. Dahan-dahan niya akong sinayaw habang yakap-yakap ako sa likod.

Romantic, isn't it? But my head is now filling up with guilt. Nagi-guilty na ako sa kamaliang ginugusto ko. This really isn't right. May nasasaktan na ako sa pagiging selfish ko. Even all I just want to is to beloved by the man I love too. Mali ang timing. Mali ang panahon at bawal ito.

"Uuwi na ako next week pabalik ng France. May mga patient kasi ako na kailangan ng special treatment." Tumigil sa pagsasayaw si Sid at tumayo ng tuwid sa likod ko.

"No you're not. Hindi pwede." Naguluhan ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya na medyo nakakunot na ang noo.

"Why? They are important people to me. They need me the most." Giit ko. Pumikit si Sid at umiling.

"Huwag muna ngayon. Let us talk about our child first. Let us both be responsible. Baka may mangyari sa yong masama kapag bumalik ka ng France while I am here, doing nothing." Bakas ang pag-aalala sakanyang boses. Piniga na naman ang puso ko sa mga sinasabi niya tungkol sa magiging anak namin.
I just sighed and look at the beach again.

Hays. Kung may magagawa lang ako para hindi na makasakit ng iba ay gagawin ko talaga.

Tumunog ang cellphone kaya kinuha ko ito sa bulsa at sinagot ang tawag.

"Hello?" Tanong ko.

"Ma'am Luna, nandito na po ang kinuha kong mananahi para sa mga gown." Inporma ni Casia.

"Sige pabalik na ako. Let them know the designs first." Pinatay ko na ang tawag at kumalas sa pagkakayakap ni Sid.

Naglakad pa ako paharap sa salamin at hinawakan ito. I guess my money's enough to buy this beautiful house. Nakakalove at first sight siya.

"Halikana. Balik na tayo. Dumating na raw ang mga mananahi eh." Hinawakan ko ang kamay niya at dinarag na siya palabas ng mansyon.

Nakita ko na si Manong na nakatayo roon at inaayos ang mga bulaklak. Nilapitan ko siya kasama si Sid at tinawag.

"Oh! Magrerent ka ba ineng?" Tanong nito sa akin. Tumango ako at naramdaman ko ang pagpisil ni Sid sa kamay ko.

"Opo! Bukas po sana. May interview po kasi ako kaya gusto ko po na sa may beach po." Kinuha ko sa bulsa ang calling card ko at ibinigay kay Manong.

"Tawagan niyo na lang po ako tungkol sa napag-usapan namin. At sasabihin ko rin po kung anong oras ka paparito bukas." Nginitian ko si Manong kaya ganun din siya. Bumaling siya sa katabi ko na nakakatakot ang tindig dahil sa may kalakihang katawan nito.

"Sid!" Napakurap ako dahil sa pagtawag niya kay Sid.

Magkakilala sila? Paano? Saan? At kailan?

"Long time no see po Sir Edgar!" Bati rin ni Sid. Tumango ng nakangiti si Manong kay Sid.

"Mauuna na po kami. Maraming salamat po sa page-entertain kay Luna. Salamat po ulit!" Si Sid na ngayon ay siya ng humihila sa akin papasakay sa kotse niya na nasa tapat lang ng mansyon.

"Get in." Sumakay na ako kahit na naalala ang motor na nasa labas.

"Yung motor ko..." Sabay turo ko sa malayong gate.

"Yeah. Ibababa lang kita." Naupo na ako ng maayos sa shot gun seat.

Tinanaw ko ang labasan kahit na hapon na ay mas lalong gumanda ang buong paligid.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya kinapa ko ito at kinuha. May text duon galing kay Kristel na nagpakaba sa akin.

"Sid..." Tawag ko. Hindi ko siya nilingon pero naramdaman ko na sinilip niya ako. "Hmm?"

"I think I'm doomed." Pinakita ko ang cellphone ko sakanya na may message ni Kristel.

'Lelita found a PT here in your room while cleaning it. Si Mommy ang unang sinabihan ni Lelita that is why mommy is being hysterical here.By the way is this yours?'

Kumakabog na ng todo ang dibdib ko at wala akong maisip na maidahilan ko. Nagblangko ata ang utak ko at hindi maabsorb ito lahat.

"Maybe I should drive you home." Tanging naiulat ni Sid pagkalabas namin ng gate. Dinaanan namin ang motor ko at pinatakbo niya na ng diretso ang sasakyan.

I am starting to bite my nails because of the nervous that I am feeling. Nablangko na sa palusot ang utak ko at puro kaba na lang ang nananaig sa akin.

"Don't worry, deny to them that it wasn't yours. You can just tell them that it's from your patient." Nilingon ko si Sid na nakakunot ang noo.

"Deny to them? I won't do that! I won't deny my child! Itigil mo ang sasakyan at bababa ako!" Kinalas ko ang seatbelt pero hindi parin siya tumigil sa pagmamaneho.

"Sid! Stop the car!" Utos ko. Pero parang mas binilisan niya lang ang takbo at lumiko pa siya sa ibang direksyon at hindi pauwi sa mansyon.

"Stop the car na nga kasi!" Sigaw ko na sa loob ng kotse.

Pinilit kong pihitin ang knob ng kotse pero nakalock iyon at konektado sakanya. Pinagsususuntok ko na ang salamin para madistract siya at matigil na sa pagmamaneho.

Ilang suntok pa ang ginawa ko sa bintana ng kotse bago niya itinigil ang sasakyan sa isang highway na ang kaharap ay ang bulkan ng Mayon.

Ramdam ko ang pagbaba at pagtaas ng mabilis ng dibdib ko. My tears is in the verge of falling. Maiiyak na ako sa sobra kong frustration.

"Luna..." Mali ata ang ginawa kong pagharap sakanya at umagos na sa pisngi ko ang mga luhang kanina pa pinipigilan.

"Shh..." Yinakap niya ako at pinatahan.


"Don't cry. I won't deny our baby, kakailanganin lang muna natin sa ngayon na itago ito because this is a really hard situation for us. Our family will surely get mad at us o baka itakwil pa tayo sa nagawa natin." Patuloy ang pag-iyak ko at parang kay hirap tumahan.

Binalot kami ng katahimikan at tanging ang hikbi ko lang ang naririnig namin.

"Ok," sinilip ko siya sa sinabi niya. "Let's talk to them and tell them about our situation." Sa gulat ko ay tumahan ako sa pag-iyak at walang masabi.

Love EntityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon