CHAPTER 34

142 4 0
                                    

Chapter 34

Peace

"Eat more Ligaya! Kaya ka siguro matamlay parati kasi konti lang ang kinakain mo!" Ani Kristel ng magtanghalian kami. She offered me lots of nutritious foods and I accept some of it.

"Eto na lang! I prefer this one! It has a unique design." Ani Tita Daina. Inilista ni Casia ang gusto nilang mga gown. Ang kay Ate Mayang, Kristel at Liezel ay hinanap nila sa personal portfolio ko. Mga gowns na nailabas ko lang sa mga fashion show. It is somehow exclusive.

"OMG! I like this one!" Pinakita sa akin ni Liezel ang nagustuhan niyang gown. It is worn by the famous model in Italy. My unveiled leash gown. It is perfect for bridesmaid.

Puro mga naimodelo ng gown ang pinili nilang lahat. Sa lalaki naman ay sabi ni Tita may napili na sila na designer. Sikat raw iyon dito sa Pilipinas sa paggawa ng mga barong.

Naiwan kami nina Ate Mayang, Kristel,Liezel,Ate Meliza, at ni Ate Elris. Si Marga at Ate Allure ay sumama kila Tita sa pagtitingin ng mga Resorts.

"Among us Luna, ikaw na lang ang hindi pa married. Dapat magpakasal ka na next year!" Ani Ate Mayang. I chuckled and gesture her a no.

"Hindi muna ngayon, I guess? I have a lot of responsibilities to do pa and I am still saving." Tumango-tango pa ako habang sinasabi iyon.

"Pero may responsibility ka rin sa sarili mo. I'll help you find a nice guy! We'll set you to a blind date!" Suggest ni Liezel.

Natatawa ako sa mga sina-suggest nila. If only they knew that the man outside talking with a client got me pregnant. Tsk!

"I have news for you guys..." Inilapit ni Ate Meliza ang ulo niya sa amin at nagkalapit-lapit kami.

"What is it Ate?" Tanong ni Kristel.

"I'm pregnant!" Paimpit na sabi nito. Bakas ang gulat at saya nila Kristel at Liezel.

Ofcourse, they are happy. Rheo is finally getting a baby. While Sid and I also have, but kept it a secret.

Kung kanina ay masaya akong nalaman ni Sid na buntis ako, ngayon naman ay nalungkot ako ng sobra. Parang keeping my child a secret is a burden for me. He will be a burden for his father.

Tumingala ako at pinigilan ang nagbabadyang luha. I can't be seen like this. Magtatanong lang sila ng kung ano-ano.

"It's month and a half. Kahapon ko lang nalaman when I got morning sickness. Hindi pa alam ni Rheo kaya I'm planning to surprise him." Nginitian ko siya. She sound so excited.

It feels like I am being left behind. They continued planning for their surprise and decided to make it sabay sa party ng anak ni Ate Mayang tomorrow.

After their discussion,saka na ako nagpaalam na may pupuntahan. Nagtanong pa si Kristel kung saan pero dahil gusto kong mapag-isa, hindi ko na lang sinabi.

"Just try to get some new ideas." Palusot ko.

Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng isang plain white v-neck tshirt at isang pantalon. Balak ko kasing mag motor lang para walang hassle.

Dala lang ang isang maliit na sling bag at helmet, nagtuloy na ako papunta sa garage para kunin ang motor. Hindi ko na inabala pang magpaalam kanino man at si Casia na lang ang magbabalita kung nasaan na ako. All I need is fresh air to unwind.

Sinuot ko na ang helmet at diretsong pinaandar ito kahit na hindi alam ang pupuntahan.

Huminto ako sa isang malaking gate. Masyadong matayog ang gate para makita ang nasa loob nito. Tumingala pa ako. Ano kayang nasa loob nito?

Nagulat ako sa pagbukas ng gate at paglitaw ng isang matandang lalaki. Nakangiti niya akong nilapitan. Itinanggal ko ang suot na helmet.

"Magandang hapon, hija!" Bati nito. Nakangiti siya at nagalok pa ng kamay.

"Magandang hapon rin ho." Bati ko. Nananantya pa sa kinikilos niya.

"Anong kailangan mo at natigil ka sa pagmamaneho mo?" Even his voice sounded still the same, medyo kinabahan parin ako.

"Uhm... Medyo nacurious lang ho ako sa loob. Kayo po ba ang nakatira dyan?" Tanong ko.

Nakangiti siyang umiling. "Exclusive resort ito. Gusto mo bang makita ang loob? Kokonti lang kasi ang nakakaalam ng resort na ito eh. Ang mga may-ari nito ay parehong nasa Maynila at abroad. Ako ang caretaker dito at pinaparenta ko rin ito para mapanatiling malinis." Parang naengganyo ako sa kwento ni Manong.

Pinark ko sa gilid ang motor ko dahil sabi naman ni Manong ay wala naman daw gagalaw nito at may cctv sila sa may gate. Excite akong pumasok sa loob ng gate at lubusang nasiyahan sa nakita.

May mahabang sementadong daan papunta sa malaking mansyon. Sa kalagitnaan ng daan ay may malaking fountain na napapalibutan ng magagandang bulaklak. Nakapabilog ito at ang preskong tignan.

Nagulat ako ng makitang wala na si Manong sa tabi ko. Bigla akong kinabahan.

*PRIT!* I almost cursed when Manong did that. Nakita ko ang isang gulf cart na papalapit sa akin. Pinasakay ako ni Manong at ang sabi niya ay aabutin kami ng ilang oras sa paglalakad.

Mabagal ang pagmamaneho pero tama lang ito para mapagmasdan ng maigi ang mga bulaklak na iba iba ang hugis.

"Ang sabi ng bunsong may-ari ay boring daw dito kaya gusto na nilang ipabenta ito. Sinuggest na lang ng nakakatanda na iparent na lang ito para kahit papaano ay mapanatili itong malinis at hindi na kailangang ibenta. Ayaw din naman ng nakakatanda dahil ito na lang daw ang alaala ng kanilang ama at ina sakanila." Napatango ako. Tama nga naman. Hindi mo na mapapalitan pa ang kahit na anong alaala kapag nawala ang isang bagay na tanging nagpapaalala sa taong mahal mo.

"May nakabook po ba ngayon?" Tanong ko. Huminto na kami sa tapat ng napakalaking mansyon. Malaki pa ito kesa sa mansyon ng mga Arcilles.

"Wala pa naman. Gusto mo bang rentahan ito? Umaalis kami ng apo ko dito kapag may rumerenta dito. Para naman kahit papaano ay may privacy kayo. Wag ka ding mag-alala at sa loob ng mansyon ay walang mga cctv. Dito sa labas meron." Nakakaakit nga dito. Bumaba kami sa gulf cart at pumasok sa loob ng mansyon.

Nakakabilib ang laki nito at nakakapagtaka na ayaw nila manirahan dito. Parang gusto ko tuloy bilhin ito.

"Hindi po ba talaga ibebenta itong bahay na ito?" Tanong ko habang tinitignan ang mga mamahaling jar.

"Kung pag-uusapan baka maibenta ito. Bakit? Gusto mo din bang bilhin ito?" Tanong ni Manong. Nilingon ko siya at nginingitian na tumango.

"Siya at sabihan mo ako kung kailan mo gusto makipag-negosasyon at tatawagan ko ang Senyor. Maiwan na muna kita dito at may naririnig akong tunog galing sa gate." Paalam niya.

Nagtingin-tingin pa ako saglit sa may sala hanggang sa mapadpad ako sa may malaking glass wall. Bumungad sa akin ang mapang-akit na dagat. I can see the shore from here. Ilang metro lang ang layo ng mansyon sa dalampasigan at nakakaenganyo talaga ito.

"Manong?" Tawag ko para sana ipaalam na rerentahin ko itong mansyon. Lumingon-lingon ako at bumalik ulit sa kinatatayuan ko kanina sa sala.

Wala na akong narinig na Manong at nakakapagtaka iyon. I grab my phone and saw twelve messages from Sid.

Binuksan ko ang isa at ang nag-aalalang text agad ang bumungad sa akin. Binalik ko ulit ang cellphone ko sa bulsa at naglakad pabalik sa may glass wall. Tinulak ko ang salamin at dinama ang mainit na hangin.

I closed my eyes and let myself find peace.




Love EntityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon