CHAPTER 4

249 2 0
                                    

Chapter 4

Not good

"Hmm. I'll go with you." napatagilid ang ulo ni Kristel at bahagya pang nangiwi ang labi.

"Bakit kuya Sid? May bibilhin ka rin po ba?" tanong ni kristel.

"Yeah. May kikitain rin ako sa mall." Sagot nito habang tumatango pa.

"Ok po. Magbibihis lang kami ni Ligaya and I know na may kalayuan ang mall Kaya aagahan na lang natin. Right Ligaya?" Bumaling sa akin si Kristel na agad kong tinanguan.

"Ok." nagpatuloy na sila sa pagkain habang ako naman ay nagpaalam na munang may gagawin saglit at magpapalit na rin.

Bumalik ako sa kusina at muli na namang hinanap si Manang. Busy na talaga ang mga katulong sa handaan dahil mamayang mga tanghali ay magbubukas na ang mansion nina Senyor at Senyora para sa mga bisita.

Nakita ko si Manang na Tinuturuan ang isang katulong sa pagluluto. Nilapitan ko na siya.

"Lola...." Tawag ko ng nakalapit. I always call her Lola kapag may kinoconvince ako o di kaya ay nagpapaalam. Nasanay na rin kasi ako na nakiki-Manang at Ok lang din naman sakanya yun.

"Oh! Tapos ka na bang kumain hija?" Yinakap ko si Manang ng isang kamay lang kaya hinagod-hagod ni Lola ang buhok ko.

"Opo La." Sagot ko. I always do this to her. Hindi sa may hihingin ako or what, naglalambing lang talaga ako tulad ng nakagawian ko nung bata pa. She likes it tho.

"La, pinapasama ako ni Kristel sa Mall sa bayan. Ok lang po ba?" maingat ang pagtanong ko nun.

"Sino bang mga kasama niyo?" medyo nakunot ang noo ni Lola.

"Nababagot daw po si Senyorito Rheo dito kaya gusto niya rin pong sumama. At, sasama rin po pala si Senyorito Sid dahil may kikitain at bibilhin siya dun." sagot ko.

"Hmm. Alam ba ito ni Diane? Ni Alice?" tumango agad ako sa tanong.

"Opo. Nakapagpaalam na po kami." tinignan niya ako ng mabuti saka tumango.

"Talaga La?! Thank you po!" yinakap ko pa siya lalo. Natawa na lang ito.

"Sige na at magbihis kana. Bumalik kayo kaagad at mamayang alas dose ay magsisimula na ang handaan. Sasabihan ko si Rheo na dahan-dahanin ang pagmamaneho. Siya bihis na." yinakap ko pa ng isang beses si Lola saka naglakad paakyat sa kwarto.

Nakasalubong ko pa si kristel na magbibihis na rin.

Isang kulay abong dress ang sinuot ko na pinaresan ng strap sandals at isang sling bag na kulay Itim naman.

Bumaba na agad ako para mahintay si Kristel. Sarado pa kasi ang kwarto niya ng madaanan ko kaya dumiretso na ako.

Naghintay ako sa may sala. Kinulot kulot ko ang buhok ko ng kaunti para naman wavy siya pero hindi ata nakakaya ng simpleng ganun lang. Sinuklay-suklay ko na lang ito dahil nagugulo.

Narinig kong nagbukas at nagsara ang isang pinto sa taas kaya tumingala ako at nakita ko ang pababa nang si Kristel. Nakasuot siya ng isang denim skirt at isang printed na kulay asul na damit. May dala rin siyang sling bag at nakasapatos naman siya ng puti.

Nginitian ko siya ng nakalapit.

"Lika na! Nag-aantay na si Kuys Rheo sa Labas." hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming naglakad palabas ng mansion.

Sa malayo pa lang ay tanaw na namin ang dalawang kotse. Ang isa ay sports car at ang isa naman ay Pajero.

"Kri!" tawag ni Senyorito Rheo pagkalabas sa magarang sasakyan niya. His sports car is shining! Malalaman mo talaga na bata-bata pa ang nagmamaneho.

Love EntityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon