Chapter 15
Daughter
Napakaripas ako ng takbo paakyat sa kwarto. Nagmamadali ako at baka mahuli ako sa klase at nakalimutan ko pa ang group work namin.
"Manang alam ko na! Alam ko na alam niyo ang totoo!" Napahinto ako sa pagpasok sa kwarto ng marinig ko ang galit na sigaw ni Senyor Loice.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Loice." Mahinahon namang sabi ni Manang.
"Manang please! Sabihin ko na ang totoo! I can't let this to prolong. Gusto kong makimpirma iyon mula sa iyo!" Sigaw muli ni Senyor Loice. Napakunot ang noo ko at nagtataka kung bakit sinisigawan niya si Manang.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Loice. Umalis ka na rito at baka may makarinig sa iyo dito." Nakarinig ako ng paghampas kaya nagulat ako.
"Huwag niyo ng itanggi Manang. Narinig ko kayo ni Alice at ni Mang Arcelo.. Alam niyo na anak ko siya." May hinanakit na sa boses ni Senyor ngayon.
Sino ang anak ni Senyor Loice? At bakit naman ililihim pa ito sa sakanya?
"Ang diary ni Amore? Nasaan na iyon at baka naroon ang kasagutan sa mga tanong ko!" Mga yabag naman ngayon ng paa ang naririnig ko.
"Na kay Ligaya iyon at ibinilin ni Amore sa akin na ibigay iyon sa anak niya kapag disi-otso na ito. Hindi ko alam kung ano ang laman nun."
"Sabihin niyo na lang Manang... Anak ko ba siya? Is she my daughter? Is Ligaya my daughter?" Nagulat ako sa pagbanggit ni Senyor Loice sa pangalan ko sa pagitan ng pagtanong niya.
Agad kong binuksan ang bag ko at hinanap ang diary ni Mama. Magulo na ang bag ko sa paghahanap at nanginginig na ang mga kamay ko.
My mind is whirling and hearing no sound but only my heart's loud beating. Agad kong binuklat ang diary ng mahanap ito. I turn and read every pages that may have my name or Senyor's name in it.
Nahinto ako sa pahina na may nakalagay na buong pangalan ko. And below it was Senyor's name.
'Mahal kong Loice,
Manganganak na ako ng isang malusog na sanggol. Alam kong hindi mo naman malalaman ito, pero gusto ko lang na ipaalam sa iyo na ang pangalan ng magiging anak mo ay Luna Gianchia at isusunod ko sa apelyido ko dahil hindi naman tayo kasal at ayoko ng makaabala pa. Ang pagmamahal ko sa iyo ay nagbunga na at ang anghel na isisilang ko ay hindi ko pagkakaitan ng pagmamahal.
Amore.'
Mas lalong nanlabo ang aking paningin sa nabasa. Isinoli ko sa bag ang diary at tumalikod kahit na malabo na ang paningin.
Hindi ko alam kung ano ang unang mararamdaman. Ang saya ba, ang gulat, o ang sakit.
Bakit tinatanong kay Manang ang tungkol sa akin? Maaari bang alam ni Manang kung sino ang Ama ko? Maaari kayang alam niya na si Senyor Loice ang ama ko?
Napahawak ako sa barandirilya ng hagdanan dahil sa naramdamang sakit ng ulo.
"Manang, magpahinga na po kayo at kanina pa po kayo nakabantay dito." Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. My heart jolt when I heard him pero agad napawi ang kasiyahan ng may maalala.
Pinilit kong imulat ang aking mga mata kahit na pagod pa ito at gusto pang matulog. The white ceiling welcomes me with a cold air. Nasa hospital ako.
"Ligaya..." nakita kong tumayo si Manang sa pagkakaupo at lumapit naman si Senyorito Sid sa akin.
Huminga muna ako ng malalim at tinignan sila. Silang dalawa lang ang narito at ang T.V lang ang gumagawa ng ingay.
"Ano ng pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Kamusta naman ang paghinga mo?" Sunod-sunod na tanong ni Senyorito Sid.
BINABASA MO ANG
Love Entity
RomanceBehind the happy lies, are the painful truths. Ang kasinungalingang nabuo ay nabuhay ng mahabang panahon at nagbunga ng masasayang alaala na siya ring sisirain ng masalimuot na katotohanan na itinago. Her love and patience will be wasted for nothin...