Chapter 9
Pancakes
Maaga pa rin akong nagising dahil hindi ako makatulog ng maayos kahit na medyo late na akong natulog kagabi.
Nagswimming pa kami kagabi. Hindi sana ako maliligo nun pero tinulak nila ako kaya nabasa ako at tuluyan ng lumangoy. Tulog pa si Manang kaya bababa muna ako para uminom ng tubig.
Sinuot ko ang tsinelas ko at inayos ang buhok at suot ko. Mahina lang ang paglakad ko dahil alas'tres pa lang ng madaling araw. Pagkalabas ay tahimik pa ang buong mansyon kaya hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay.
Tanging sa kusina lang ang nakabukas na ilaw. Dumiretso agad ako duon. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng malamig na tubig. Inilapag ko ang baso sa lababo at saglit na napatingin sa mga cabinet dito sa kitchen. May naririnig akong kumakalikot sa isa. Mas lumapit ako sa cabinet at sumampa sa lababo dahil may kataasan iyon at hindi ko makikita ng maayos kung sakali.
"Baka daga.." sabi ko sa sarili ng walang makitang kahit na ano bukod sa mga bote.
"What are you doing there?"
"Ay palaka ka!" Kamuntik na akong mahulog sa sahig kung hindi lang ako nasalo. Idinilat ko ang mga mata ko at napasinghap.
Nakahawak ang kamay ko sa makisig na braso ni Senyorito na pawisan pa. Dahan-dahan ang ginawa kong pag-angat ng tingin. Itinuro ko ang cabinet at ngumuso.
"May maingay kasi dun kanina, nagtaka ako kaya umakyat ako para macheck." Paliwanag ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa mata niya ba o sa kung saan. Buhat niya parin ako.
"Uhm.." mukhang nakuha niya naman ang gusto kong sabihin kaya ibinaba niya ako.
"Maaga ka?" Tanong niya at kumuha ng baso at nagsalin rin ng tubig. Tumango ako.
"Uhm.. opo! Hindi po kasi ako makatulog. Paputol-putol po kaya maaga akong bumangon." Tumalikod siya sa akin at hinarap ang lababo. Hinugasan niya ang pinag-inuman ko kanina at yung baso niya. Nakakahiya! Bat siya ang naghugas?
Napansin ko ang suot niyang sando na gray. Pawis din siya at mukha siyang kagagaling lang magjogging.
"Kayo po, Senyorito? Bakit po maaga kayo?" Bakit hindi mapigilan ng bibig ko ang magtanong?
"I also can't sleep. Nagjogging lang ako saglit sa labas." Sagot nito. Tumango ako at pinagmasdan siyang nagbukas ng ref at kinuha ang tray ng itlog, bacon at hotdog.
"Gusto mo ng pancakes?" Tanong niya. Napakurap ako ng dalawang beses. Nilingon niya ako at naghintay ng maisasagot ko.
"O-opo!" Tanging nasagot ko. Kinuha niya ang tatlong box ng pancakes. Nagsuot siya ng apron at hinarap ako.
"Matutulog ka pa ba ulit?" Tanong niya. Napaisip ako saglit. Hindi naman ako inaantok. Ayaw ko rin namang umakyat kasi wala naman akong gagawin dun.
"Hindi na po Senyorito. Mabilis lang naman po ang oras at maya-maya ay papasok na ako." Tumango siya at kinuha ang pan sa cabinet sa baba ng lababo. Ipinatong niya na ito sa stove at sinindihan.
Naupo ako sa may high stool sa counter. Kinuha niya ang tray ng itlog at nilagyan ng mantika ang pan at inihulog ang itlog.
His hand move expertly and from where I sit, i can see how his muscles flex. Kumuha siya ng plato at inilagay ang itlog duon.
Natapos niyang lutuin ang mga itlog ay iniwan niya namang nagluluto ang bacon habang minimix niya ang flour at itlog para sa pancakes.
"Bukod sa menudo, ano pang paborito mong pagkain?" He asked. Out of nowhere.
BINABASA MO ANG
Love Entity
RomanceBehind the happy lies, are the painful truths. Ang kasinungalingang nabuo ay nabuhay ng mahabang panahon at nagbunga ng masasayang alaala na siya ring sisirain ng masalimuot na katotohanan na itinago. Her love and patience will be wasted for nothin...