Chapter 28
Fishy
Mabilis akong nagbihis at sa likod na dumaan para hindi na makita pa. Nakita ko ang sasakyan namin na nakapark at si Richard na nakatayo duon. Nilapitan ko ang big bike na nakapark din at inabot niya ang susi.
Nagsuot ng helmet at agad na pinaandar ang sasakyan. I am only bringing my bag with me. Hindi ko man alam kung saan pupunta, I still drive my way. The familiar place is sending me chills. Nakakapanibago at ngayon na lang ulit ako nakapunta rito.
I went to a famous bar here in Albay. Maraming turista dito kaya siguro may mga bar dito. The famous Mt. Mayon here is here that's why Albay is kinda attractive to visit.
Ang suot ko na ngayon ay isang fitted jeans at pinaresan ko ng isang white T-shirt. Dala ko ang sneakers ko kanina kaya nakapagpalit ako. I have this in mind kaya nakapagready ako ng ibang maisusuot na damit.
Nasa mga alas dos pa lang ng hapon pero marami ng tao sa loob ng bar. The bar looks fancy at may mga foreigner na akong nakikita. May mga locals din naman pero halata ring mga nagbabakasyon lang dito sa Albay.
Sa counter agad ang punta ko at umorder ng isang drinks. I don't want to get drunk kaya shake lang ang inorder ko. Magda-drive pa ako kaya hindi talaga ako iinom.
Habang nagmamasid at tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nakitang si Casia ang tumatawag. Sinagot ko ito agad.
"Hello,Casia?" Tanong ko.
Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.
"Hello?" Ulit kong tanong.
"Where are you?" Halos matapon ko ang cellphone sa gulat sa narinig na boses.
"S-s-sid!" I called his name out of shock. Kumurap-kurap pa ako at automatic na umayos ng tayo.
"Where are you?" Tanong niya ulit sa mahinahong boses. I closed my eyes and let myself relax. Mahahalata talaga ako nito kapag ganito ako araw-araw.
"Bakit? Nasa bar ako. I just want ti unwind." Simpleng sagot ko. Bumuntong hininga na naman siya. Ilang sandali pa kaming naiwang tahimik bago ako nagsalita ulit.
"Ibababa ko na..." Mahina ko ng sabi.
Walang sinabi at pinatay na ang tawag. Ako naman ngayon ang napabuntong hininga. Why can't I move on? Is it that hard?
I continued to sip on my drinks while enjoying roaming my eyes. Aalis na rin ako ngayon. I am sure nasa hotel na sina Casia. I grab my phone and paid for my drink. Papalabas ako ng dinial ko ang numero ni Casia.
Itatanong ko kung saan siya nakabook ng hotel para dumiretso na lang ako dun.
"Hello, Ma'am?" Sagot nito sa tawag.
Huminto ako sa paglalakad sa parking lot para masagot si Casia."Casia, saan ba tayo nakabook ngayon? Nasa hotel na ba kayo?" Matagal bago sumagot si Casia kaya nag-alala na ako. "Casia?!" Pahisterya kong tawag.
"Kasi ma'am, ang sabi ni Mrs. Leannin ay dito na daw tayo sa mansyon ng Arcilles tumuloy. Para na rin daw po hindi hassle." Ramdam ko ang kaba sa boses niya pero mas nararamdaman ko rin ang kaba ko.
"P-pero..." Hindi ko na nasundan iyon dahil nakarinig na lang ako ng isang buntong hininga. I shut my eyes and started thinking.
"Mama wants you to stay here. Nandito rin sina Tito Loice to help for the preparation for the wedding. Mama wants us to have a bond..." Hinimas ko ang ulo ko at hindi na makaisip ng matino.
"I'll call later." Binaba ko na ang tawag at dinial ang numero ni Kristel. I know Kristel will help me to get through this. Hindi nagtagal ay sinagot niya ito.
"Ligaya!" I can almost hear that she's excited.
"Kristel, help me. Tita Alice wants me to stay at the mansion." Naikwento ko na kanina sakanya na sa mga Arcilles ikakasal ang anak ng client ko. She didn't seem shock kaya medyo nagtaka ako.
"Uh... As you can see..." Bumagal ang pananalita niya. "Tita also invited us over. On the way na nga kame eh. So, I can't help you with that. Invited lahat lalo na dahil ikaw ang nakuhang designer. They grab this opportunity to have a bond with you. Dahil ilang taon na din daw nung huling nagka-event na magkasama tayo as a... Family." Napasapo na ako ng noo.
Now I have to be there! They put so much effort to this! Nakakahiya at nag-antay sila ng ilang taon.
Inayos ko na lang ang buhok ko at isinuot ang helmet. Before I can even ride my big bike, may lalaking lumapit sa kinaroroonan ko. Kumunot ang noo ko habang kumakaway siya palapit sa akin.
"Luna!" Tawag niya ng tuluyang nakalapit. Kumunot ang noo ko at nag-isip kung kilala ko ba ang taong nasa harap ko.
"It's me, Rico!" Napaisip pa ako saglit.
Rico? Nakita kong bumusangot ang mukha niya at bahagyang lumapit. Impatient I open my mouth for a word, but none was spilled.
"Rico. Your schoolmate! I'm a year older but we often walked home together." Parang may light bulb na nagpop sa utak ko ng maalala ko na siya.
"OMG! Rico!" I know it was late but still, I gave him a hug. Naexcite lang ako kahit na hindi ko siya agad nakilala.
Ang huling Rico kasi na nakita ko ay payat pa. Ngayon naman ay malaki na ang katawan. Hindi ko inakala na makikilala niya ako sa ganitong sitwasyon. Bumitaw ako sa yakap at nakangiting hinarap siya.
"Buti at nakilala mo pa ako?" tanong ko.
"Sino bang hindi makakakilala sayo? Your famous now! Kahit mga ibang ka-schoolmates natin ay hangang-hanga sayo eh. Your a famous designer and a doctor! Kung ako siguro iyan ay nabaliw na ako sa mga responsibilities ko." I simply nod and smile widely.
Everybody say that. But for me, I can handle it because it's my passion and my mother's dream. When I fulfilled it, I also fulfilled my mother's dream. Nakakaginhawa at may narating nga ako sa ilang taong pag-aaral.
"It's my Mama's dream and also mine that inspired me to be who I am now." He give me a genuine smile.
"Napauwi ka ata?" Pag-iiba niya sa usapan.
"Kliyente ko si Tita Alice. May ikakasal ata sa Arcilles at ako ang kinuhang designer." At nagkibit balikat na ako.
He chuckled. Lumitaw ang dimple na dati ko pang nakikita. I smiled too.
"Uhm..." Hindi ko na alam kung ano pa ang maaaring sabihin kaya magpapaalam na sana ako.
"Luna!" Parang kidlat na kumulog ay ang boses na nagpatalon sa akin. Nilingon ko ang nasa likod at nagulat sa nakita. Behind me is a man approaching with his coldest glare. Madilim ang paligid kaya mas dumilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nag-sitindigan ang balahibo ko.
Napalingon ako kay Rico na bahagyang nagulat rin at namutla. I tried to smile more para hindi niya mahalata na may epekto si Sid sa akin.
"I think... I should go now.." Tumingin siya sa akin at tumango.
Nauna ng maglakad papasok sa bar si Rico at ako naman ay hinanda na ang helmet. Sinuot ko agad ito at walang pasabing sumakay sa motor.
But before I can start the engine, naramdaman ko na ang mahigpit na paghawak sa braso ko. Naramdaman ko ang pag-nginig ng katawan ko.
"Why are you with Rico?" malamig niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Love Entity
RomanceBehind the happy lies, are the painful truths. Ang kasinungalingang nabuo ay nabuhay ng mahabang panahon at nagbunga ng masasayang alaala na siya ring sisirain ng masalimuot na katotohanan na itinago. Her love and patience will be wasted for nothin...