Chapter 30
Kiss
"I just want a simple gown." Simpleng sabi ni Marga. Ang swerte nila ni Sid sa isa't-isa. Bagay na bagay sila. And I think that they were made for each other by the God.
Sinulat ko iyon sa isa kong notebook at saka ngumiti. I am still not ok. Lahat na sila kasal at ako na lang ang hindi. Maybe Kristel's right. Siguro tama talaga siya na hinihintay ko lang na ako ang ikasal ni Sid kaya hindi pa ako nagpapakasal hanggang ngayon.
Nakangiti ko lang siyang tinitignan habang may sinasabi siya tungkol sa mga designs ko sa portfolio. I just can't take it. Nangangati ang dila ko na itanong kung kay Sid nga ba talaga siya ikakasal. And why do I need to ask? Makakasakit lang iyon sa akin. Siguro tama na na nakita ko silang masayang nag-usap kanina. Maybe that's the confirmation that I want.
Nagpaalam muna ako sakanya na mag-iisip muna ng magandang design. Saktong pagtayo ko ay dumating naman si Sid galing sa kusina. May dala itong juice at mga Cookies. Binilisan ko na lang ang lakad ko para hindi na ako maabutan pa.
Naalala ko na niyayaya nga pala ako ni Papa sa Library para mag-usap. At dahil ayoko pa muna siyang kausapin ay hindi ako sumipot simula kanina.
I grab my phone and dialed Casia. May inaasikaso siya tungkol sa magiging interview ko sa isang magazine. Dito ko na lang naisip na magpa-interview para wala akong masayang na oras.
Sinenyasan ko si Richard na ihanda ang sasakyan at may pupuntahan kami. Umakyat muna ako at kumuha ng mga tuwalya. Nagpalit ako sa isang sudress at nagsuot ng bikini sa loob. I am going to the beach. Nag sunblock na ako at dala ang isang maliit na bag na may dalang tuwalya at ang aking sketch pad, bumaba na ako. Hindi naman ako magtatagal duon kaya hindi na ako nag-abala pang magdala ng pagkain.
Nadatnan ako ni Sid papasakay sa kotse. Nasa veranda siya, nagmamasid. Sumakay na lang ako at sinabi kay Robert ang direksyon. Hindi naman kalayuan iyon.
Pagkarating duon ay sinabihan ko si Robert na bumalik na lang muna sa mansyon at tatawagan na lang pag magpapasundo. I also tell him that if anybody ask where I am, sasabihin niya lang na nagpasyal.
Hinintay ko munang makaalis siya bago ako naupo sa isang sun lounger. Hapon na kaya hindi na ganun kasakit ang araw sa balat. Naisip ko muna na magsketch. I want it here para marefresh ang utak ko at makaisip ng ididisenyo.
Dahil dagat ang nada tanawin ko ay flowy ang gown na naisip ko. Not the usual gown na mahaba at malaki. Beach wedding naman iyon kaya tama na siguro ang disenyong gagawin ko.
Nag-unat ako pagkatapos kong magdesign. Nakakapagod din ito at kailangan detailed ang magiging design para hindi mahirap pag actual na. Tumayo ako at inalis ang suot na sundress.
Inayos ko muna ang mga gamit. This is a private resort. Exclusive lang ito kaya kokonti lang ang mga tao. Kaya hindi ako nag-aalala na baka mawala ang mga gamit ko dito.
Mabagal kong tinungo ang dagat at dinama ang malamig na tubig sa paanan ko. The wind also blew some of my hair and it sent me to shiver a little. Nagpatuloy na ako sa paglusong sa malamig na tubig.
Nang nasa may leeg na parte na ay huminto na ako at tumingala. The sun is setting down and I am liking the view here.
As I close my eyes, I also felt the big hands capturing my waist. Nagtindigan ang mga balahibo ko at parang naestatwa sa naramdaman. Maybe napagkamalan ako? Nararamdaman ko na rin ang hininga ng tao sa likod ko.
"Why... did you suddenly... went out?" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig na boses.
Mas lalo akong naestatwa. Parang lalabas na talaga ang puso ko at tatakbo ito palayo sa katawan kong halos manginig na ngayon. Mas lalong umihip ang malakas na hangin kaya mas lalo akong gininaw.
Imbes na makapag-isip ako ng escape plan ko ay mas lalo lang natuliro ng
maramdaman ko lalo ang paghaplos ng mga kamay sa beywang ko at mas nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan. I can also feel my face heating.Hinayaan kami ng katahimikan ng ilang saglit habang haplos parin ako ni Sid sa beywang.
'Ang malanding ito! May fiancèe na't lahat, eto at nilalandi parin ako!'
"Look at me..." Nagulat ako sa inasta ng katawan ko. Parang robot itong sumunod sa taong may hawak ng control niya.
Gulat ang reaksyon ko habang siya naman ay parang pagod ang mga mata at ang labi'y nakasara ng mariin. My heart bombered more. Parang hinahaplos rin ang puso ko sa nakita.
Inilapit niya ang mukha sa akin ng paunti-unti at saka ako siniil ng isang halik. Mababaw lang ito at parang pinapadama lang na mahalaga ka sakanya.
Instinct na pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at siya naman ay hinawakan ako sa mukha. As if I will lose any moment. Ang never come back again.
Saka lang kami bumitaw sa halik ng mawalan na ng hininga. My heart started to pound real hard again as I look into his tired eyes. Nakabuka pa ang bibig at naghahabol ng hininga.
My body become jelly habang patagal ng patagal ko siyang tinitignan. And I can also feel butterflies in my stomach.
"We shouldn't do this..." Tanging naiusal ko habang nakatingin sakanya ng diretso.
"We should..." Inilapat niya ang mga noo namin at pumikit.
What? What we should? Are you insane, Sid? We're cousins and this is not right. You already have a fiancèe at magiging big scandal lang ito! My Gosh! Why am I not protesting to this?!
Pumikit na lang din ako dahil ako mismo ay ayaw kong umalis sa ganito kapayapang moment. Nagtatalo ang puso't isip ko pero ang mananaig siguro ay itong walang kwenta kong puso. This is insane! We shouldn't be in this scenario! We shouldn't do it!
BINABASA MO ANG
Love Entity
RomanceBehind the happy lies, are the painful truths. Ang kasinungalingang nabuo ay nabuhay ng mahabang panahon at nagbunga ng masasayang alaala na siya ring sisirain ng masalimuot na katotohanan na itinago. Her love and patience will be wasted for nothin...