The ending
"Ma'am!" Nataranta ako sa narinig kong katok ni Casia sa kwarto ko. Mukhang importante iyon kaya nagmamadali siyang kumatok.
"What happened?" Pambungad na tanong ko. Nakita kong namamawis na siya at panay na ang lunok. Kumunot ang noo ko at tuminginsa likod niya.
Ang matayog na katawan ang humari sa pintuan ng opisina ko. Ang malungkot na pares ng mata na nakatuon sa akin. Ang mapulang labi na nakabuka ng kaonti. Ang panga na alam mong pag-aari ng isang lalaking maskulado. Those black messy yet still so beautiful hair. It feels like a warm air embraced my senses at bumalik ang mga alaala namin sa isipan ko.
"L-luna..." Napiyok ang boses niya sa pagbanggit ng pangalan ko. Pumikit ako at pinilit na pigilan ang emosyong nagbabadyang gumuho.
"What do you want?" Tanong ko sa isang seryosong boses. Alam ko sa sarili ko na masakit itong ginagawa ko pero ito ang magiging solusyon para sa ikakatahimik ng buhay ko. Buhay namin ni Mebius.
"Luna, Let's talk..." Nakakapanghina ng tuhod ang mga salitang kanyang inilalabas.
I loved him for half of my life now. Ever since I knew the meaning of love, si Sid agad ang naisapuso ko. For the past years, it's always him. Wala ng iba at wala nang sumubok pang iba. I don't want it to fade not because of loving someone new, but I want it to fade because I did prove to myself that I matured and know how to move on. If I let my love for him fade because of loving someone new, I know that I will still long for his love. I will still ask for his attention and a little amount of love.
"Ano pa bang pag-uusapan natin?" Matapang kong tanong. Nararamdaman ko na ang pagbabara ng lalamunan ko.
"We need to talk about us. We need to clarify things why I'm here." Malungkot parin ang tono ng boses niya pero kailangan niya parin ata ng lakas para sabihin ito sa akin ngayon.
I knew the moment I talk to Kristel the other month, alam ko ng hahanapin nila ako sa buong Toronto, Canada. Hahalughugin ang Toronto para sa isang ingrata. That's awful.
"Para saan pa?" Mahina kong tanong. Pipiyok na ako ano mang oras kapag nagsalita ako.
Sinunggaban na ako ng isang mababaw na halik ni Sid. Tinulak ko siya palayo pero dahil nanghihina at sa laki ng katawan niya ay hindi ko siya natulak kahit na kaunti. Pinilit kong isara ang labi ko at ipakitang wala na ang halik niya sa akin.
Isang hawak lang sa batok ko ay naramdaman ko na agad ang kuryente na dumaloy sa sistema ko. Napabuga ako ng hininga sa ginawa niyang iyon kaya nabukas niya ang bibig ko at mariing siniil ako ng isang mapusok na halik.
It feels like, I don't have the control of my body anymore. Iba na ang control nito at isa na lang akong alipin.
"What do you want?" Tanong ni Sid kay Mebius. Ngising-ngisi siya sa anak niya habang buhat buhat ito. Nakakaheart warming ang ganitong scenario. I didn't imagine na mangyayari pa ito. Nanaig kasi sa akin ang mga masasakit na salitang ibinigay nila sa akin kaya hindi ko na kailan pa naisip na mangyayari ito.
"Anything!" Maligayang sagot ni Mebius. Napangiti na lang ulit ako at muli ng nagtingin-tingin ng mga damit.
Niyaya ako ni Sid kanina na umuwi ng Pilipinas. At first I immediately refuse it. Kinakabahan parin kasi ako at baka sumbatan lang ako ng mas malala. Natrauma na ata ako sa nangyari. Pero binigyan niya ako ng time para mag-isip. Sabi niya rin ay gusto din daw ako makausap ni Papa.
I will think about it thoroughly. And think of the possible consequences that might happen when we go back there.
"Hey..." Nagising ako sa pagmumuni-muni ng tapikin ako ni Sid sa balikat.
BINABASA MO ANG
Love Entity
RomanceBehind the happy lies, are the painful truths. Ang kasinungalingang nabuo ay nabuhay ng mahabang panahon at nagbunga ng masasayang alaala na siya ring sisirain ng masalimuot na katotohanan na itinago. Her love and patience will be wasted for nothin...