CHAPTER 26

139 3 0
                                    

Chapter 26

Relationship

Nakakakilabot ang pagtapak ko sa NAIA. It sent shiver down my spine. Gabi ng makaland kami kaya ang malamig na hangin ang bumungad sa akin pagkababa sa eroplano. Nakakapanibago.

After how many years, ngayon na lang ulit ako umuwi dito. And it's not my will to be back here. I came here for bubusiness. Not for anything else.

"This way ma'am." Iginiya ako ni Casia sa sasakyang nag-aantay sa amin. Pagod at antok ang nararamdaman ko kaya siguro buong byahe pa-Laguna ay tulog ako.

Naalimpungatan ako ng bumubusina ang kotse namin. Sumilip ako sa harap at nakita roon ang isang motor na ayaw umalis at magpadaan.

"Ano po yun Manong?" Tanong ko sa driver.

"Ayaw pong umalis ma'am eh. Lasing ata." sagot niya. Inalis ko ang suot na coat at lumabas ng sasakyan. Tinawag pa ako ni Casia pero wala na siyang nagawa dahil nakalabas na ako. I know its dangerous but we need to pass here. Aaluin ko na lang at baka umalis siya sa harap. Baka mapano rin siya kung iwan lang na nakahilata.

"Excuse me, Sir..." Tawag ko sa isang mahinang at kalmadong boses.

Nagsquat na ako para mapantayan siya. I think he's really drunk. Amoy pa lang niya, amoy alak na.

"Hmm..."Ungol nito na nagpadilat sa akin.

Tinanggal ko ang suot niyang helmet para makumpirma ko kung tama ba ang iniisip ko. I am nervous and I can't help but to tremble in fear.

Nilingon niya ako kaya nagpanic na ang loob-loob ko. A small smile form in his lips and it is so chilling.

"Hmm. Ligaya!" Bakas sa boses na gusto niyang magduda pero may bakas rin sa boses niyang pananabik.
Kumurap-kurap pa siya bago pagewang na tumayo.

Tumayo rin ako at agad na yumuko. Not wanting his attention.

"Pakitabi na motor mo. Dadaan ang sasakyan ko." I said that as cold as I can do.

"L-ligaya..."Tawag niya. Sa paa lang ako nakatingin at pilit na hindi pinapakawalan ang kaba na nararamdaman ko.

Narinig ko ang motor niyang gumalaw kaya umatras na ako at babalik na sa kotse. That was my only purpose kaya ako bumaba. Not thinking na siya pala ang makakasalubong ko sa unang araw ko ulit dito.

"Ligaya!" Wala ng halong pagdudu ang tawag niya ngayon. Para siyang nagising na sa pagkakalasing. Hindi na ako lumingon pa, I just stop. Narinig ko ang pagtakbo niya palapit sa akin.

" Y-you're here..." Ito ang unang pagkakataon na hindi ko siya hinarap para makausap.

"Yeah. Business purposes." Simpleng sagot ko. Nakarinig na lang ako ng buntong hininga at nagpaalam na ako.

"I should go." Hindi ko na hinintay pa at naglakad na ako palapit sa sasakyan at pumasok.

"Ma'am..." Tawag ni Casia sa isang maliit na boses.

Nagdrive na ulit si Manong at ng makarating sa Bahay ay humilata na agad ako at hindi nagtagal ay nakatulog rin.

"Ma'am?" Naalimpungatan ako sa narinig kong katok at tawag. Inayos ko muna ang buhok ko at naghilamos.

Si Casia ang bumungad sa akin sa pinto. May dala siyang ipad na agad kong tinignan.

"Sa Albay po ang gustong lugar ng client. Dun daw po gusto ng anak niya na makausap kayo tungkol sa designs. Ayaw raw ho kasing lumuwas ng Manila ang anak niya." Nagulat ako sa nabanggit na Lugar.

Albay? I grew up there. Sure I know the place there.

"Bukas na ang alis natin. Contact the client at ipaready na ang sasakyan na gagamitin natin. And book a hotel near their place. O kung walang hotel, a rest house will do. But I want it refreshing ah?" Tumango si Casia sa mga sinabi ko.

Love EntityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon