A/N: May pa surprise si Mayora dahil excited na ako sa part na to ng story! Cheren! Hehe!
Chapter 16
Results
Sid's Point of view
"May... may alam ka ba sa pag-uusapan nila?" Tanong niya ng maiwan na lang kaming dalawa dito sa loob ng hospital room.
I swallowed hard. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ito o hayaan na lang siya. And I can't even shrug or look at her!
I know about the latest findings regarding her health. Nakakalungkot isipin at nakakaawa.
She have a Congenital heart disease.
Una itong sinabi ng Doctora sa akin kanina dahil ako lang ang naiwang mag-isa. Pinasabihan ko na lang na sabihan sila Mom kapag narito na sila.
I can't process it at first. Alam ni Manang na mahina ang puso ni Ligaya kaya hindi niya hinahayaang mapagod ito. Alam ni Manang na may sakit si Ligaya pero hindi niya sinabi sa amin.
Lalong-lalo na kay Tito Loice. He's the father after all.
Mukhang nakuha niyang hindi ko ata sasagutin ang tanong niya kaya kahit siya ay napalunok rin at mukhang nag-iisip ng maaaring mapag-usapan namin.
Parang hindi ko kayang makita siyang nahihirapan. It hurts me seeing her innocence wreck.
And I wish, the results were negative.
Ligaya's Point of view
"Salamat po, Doc!" I thank once again the Doctora who attended me.
Ang paalala niya lang ay huwag maistress at alagaan ang sarili.
Sumakay na ako sa kotse ni Senyorito Sid. Nakauwi na si Manang kanina at gusto niya raw na ipaghanda ako ng paborito ko.
I'm not really happy about what will Manang do. Hindi ko alam at dahil siguro sa mga narinig at nalaman ko ay nag-iba ang pakiramdam ko.
Parang pinaglaruan lang ako. I feel more empty now.
Alam ni Manang kung sino ang Ama ko pero hindi niya sinabi sa akin. Masakit para sa akin iyon dahil nakakaya niyang pagmasdang nag-uusap kami ni Senyor Loice ng wala man lang nararamdamang kahit awa para sa akin.
I always pray that someday, I'll meet my father. But not likes this. Hindi sa isang komplikadong paraan ang gusto kong pagkikita namin.
Alam din daw ni Senyora Alice na Ama ko si Senyor. Kaya ba ganun ang turing niya sa akin? Ang hindi naiiba sakanila? She always make me feel part of the Family kahit na dapat ay kasama kong natutulog ang mga kasambahay dahil anak lang ako ng dating silbidora nila rito.
Sa sobra ko atang pag-iisip habang bumabyahe ay hindi ko napansing nakatingin pala sa akin si Senyorito.
"Bakit po Senyorito?" Tanong ko at napatagilid ang ulo.
He shake his head and form a smile. A genuine smile I guess?
Si Senyorito Sid? Alam niya na ba? Siguro. Dahil nakikinig siya kanina sa pag-uusap nila. A hole was made in my heart and butterflies are starting to die. Nakakasakit. Nakakapait ng pakiramdam.
Buong byahe ay lumilipad lang ang isipan ko kaya hindi ko namalayang nakarating na kami.
Si Kristel agad ang una kong nakita na nag-aantay at nakatingin na agad sa kotse na papalapit pa lang.
"Thank you po!" Hindi man ganun kasigla. But I tried to sound sincere.
Ngumiti lang siya sa akin. But his smile didn't reach his ears. Pero bakas ang lungkot sa kanya. Like we both have to hide our real feelings behind our little smiles.
BINABASA MO ANG
Love Entity
RomanceBehind the happy lies, are the painful truths. Ang kasinungalingang nabuo ay nabuhay ng mahabang panahon at nagbunga ng masasayang alaala na siya ring sisirain ng masalimuot na katotohanan na itinago. Her love and patience will be wasted for nothin...