CHAPTER 12

169 4 0
                                    

Chapter 12

Lean

Humingi ng tawad si Kristel sa pagpapaasa kay James at nangako naman si James na hindi niya na guguluhin si Kristel at ang magiging kadate niya.

"Dapat kasi hindi mo na lang pinansin. Nainggit ata iyon kaya nagalit." Sabi ko kay Kristel pagkasakay sa kotse ni Senyorito.

Tinignan ko ang Senyorito na tahimik na nagsusuot ng kanyang seatbelt at bahagyang nakakunot na naman ang kanyang noo. He's always mad. Madali talaga tong tatanda.

"Psh! OA lang talaga siya! Sinabihan ko na siya that I will give him one date and it should be perfect. Pero palpak siya! Kaya I said no nung niyaya niya ulit ako. He just can't accept na nireject ko siya." Mataray na sabi ni Kristel habang naka-cossed arms pa.

Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan na ang katahimikan ang bumalot sa aming tatlo habang papauwi.

Tahimik na lumabas sa kotse si Kristel at ako naman ay tinatanggal pa lang ang seatbelt na suot. Ganun rin si Senyorito.

"Bababa na po ako Senyorito." Paalam ko. Wala akong narinig na sagot kaya sinulyapan ko siya at nakitang nakatingin lang siya sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko na parang maririnig niya na iyon.

Sinukbit ko ang bag ko at tahimik na bumaba. Not minding his stares as I closed the door. Hindi na lumingon pa at dire-diretso na ang ginawa kong lakad papasok ng bahay.

"Ligaya," Tawag ni Senyor Loice sa akin pagkakita.

Bigla kong naalala ang Diary ni Mama. Nagbabasa na ako ng diary niya at puro masasayang pangyayari ang nangyayari sa kwento niya. Minsan niya na ring nabanggit si ang pangalan ni Senyor Loice doon.

"Po? Senyor Loice?" Naglakad ako palapit sa kinatatayuan niya.

"May nabanggit ba ang Lola Celia mo sa iyo tungkol sa isang necklace?" Tanong niya. Napaisip ako at ang tanging necklace na nabanggit ni Lola ay itong suot ko ngayon na bigay raw ni Mama.

"Meron po Senyor. Ito po." Itinaas ko ang suot ko at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Nginitian ko siya kahit na mukha siyang gulat. Even though I don't know the reason why he's shock upon seeing this necklace.

"Bigay raw po ni Mama sa akin na bigay din daw po ng Papa ko sakanya." Masayang kwento ko sakanya. Kumurap lang siya at tumango ng dahan-dahan.

"Mauuna na po ako Senyor?" Patanong pa iyon dahil nag-aalangan pa ako kung aalis na ba ako.

Tumango lang siya kaya pumasok na ako. Nilingon ko pa siya ng iaang beses bago tuluyan ng makapasok.

"Kamusta ang skwela, Ligaya?" Tanong ni Manang sa akin pagkatapos kong magbihis.

Naupo ako sa tabi niya at tinulungan siya sa pagtutupi.

"Maayos naman po. Medyo nahihirapan lang ako sa Math ngayon sayang nga din po at wala dito si Senyorito Theo." Nanghihinayang kong sabi.

"Baka nga hindi na magtagal si Theo dito." Gulat kong tinignan ni Lola.

"Bakit po Lola?" Tanong ko. Hindi agad maproseso kung bakit hindi na magtatagal ang Senyorito dito.

"Ang sabi ni Alice ay nakapasa si Theo sa isang pribado at prestihiyosong paaralan sa Amerika. Isa siya sa apat na nakapasa sa buong bayan ng Albay. Kaya rin pabalik-balik siya sa Maynila para iproseso agad ang mga papeles niya." Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. May halong galit at panghihinayang iyon. Bigla akong nalungkot sa ibinalita ni Lola.

Hanggang sa naghapunan kami ay wala pa rin akong ibang maisip kundi ang pag-alis ni Senyorito. Nakwento ko rin ito kay Kristel habang nasa loob kami ng library.

Love EntityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon