CHAPTER 6

201 4 0
                                    

Chapter 6

Gift

Pagkatapos ng nakakahiyang pangyayari kanina sa kotse ni senyorito ay dumiretso kaagad ako kina Manang. Nahanap ko siya sa kusina na busyng tinitignan ang mga katulong na nagseserve. In events like this, hindi ako pinapatulong nina Senyora.

"Naku! Mas gumanda ka Ligaya!" Ani Manang ng makita ako sa bagong gupit kong buhok.

"Oo nga ho Manang. Mas gumanda ka lalo Ligaya!" puna naman ni Kuya Lex.

"Bumalik ka na sa trabaho Lex! Itong batang to!" suway ni Manang ng makitang nakatingin lang si Kuya Lex.

Tinulungan ko ng kaunti si Manang sa kusina bago siya nagyayang magbihis sa kwarto. Nakita ko kanina na pinadala na ni Senyorito Rheo ang mga binili niya sa akin sa kwarto namin ni Manang. Dahil dun sa nangyari kanina ay nakalimutan ko yung mga pinamili namin. Nakakahiya tuloy.

Naisipan ko ring magpalit ng pinamili ni Kristel saakin. Magsusuot din siya ng bago niyang damit sabi niya.

Pagdating sa kwarto ay naroon ang mga naaalala kong binili ni Senyorito Rheo pero may napansin akong apat pang mga bag na mukha namang pangmamahalin ang mga tatak.

Nilapitan ko ito at nakita kong mga damit din ito. Kinuha ko ang isa sa loob ng bag.

It's a royal blue sun dress. Fit ang sa baywang niya at nagustuhan ko agad ito. Nagbihis na agad ako at pinaayos pa ni Manang sa akin ang mukha ko dahil mukha raw akong matamlay.

Sabay kaming nagtungo sa table nina Senyora. Nakita ko rin si Kristel na kakadating lang din at mukhang nag-ayos ng mabuti. Tinawag niya ako at sinabihan na dun daw ako umupo sa table nilang magpipinsan. Napansin ko ang seryosong mga tingin ni Senyorito Theo. Titig na titig siya sa akin na pati si Kristel ay napansin ito. Sinikuhan niya ako at ngumisi.

"Couz, matutunaw si Ligaya nyan! Ikaw din! Di mo na siya makikita kung mangyari yun." Sabi ni Kristel na nakangisi parin. Naupo kami sa tabi ni Liezel at agad pinuna ang mga bago naming gupit na buhok. Pinuna niya rin ang suot kong damit na hindi ko alam na ganun pala kamahal.

Nakita ko tong dala ni Senyorito Sid kanina sa restaurant. Siya ang bumili?

Panay ang tawanan at click ng iilang camera sa buong paligid. Puro mga mayayaman nga naman ang narito ngayon.

"Sino siya?" Tanong ni Liezel sa bagong dating lang na isang babaeng meztisa. Matangkad ito at maganda. Ang kanyang buhok ay nakalugay ngunit madrama ang ginawang kulot sa ibaba. She flip her hair saka tumingin sa paligid. Nagsusumigaw ng karangyaan ang kanyang damit at mga palamuti. Para siyang isang modela sa isang sikat na clothing brand kung makalakad. She's screaming confidence!

"Hindi mo siya kilala? Anak yan ni Governor Gagelonia! Siya iyong obsessed kay kuya Sid habang nasa U. S siya! She's Safina Gagelonia!" Sagot ni Kristel.

Tumango-tango si Liezel at tinignan rin ang babae. Nilapitan niya ang isang table kung nasaan nakikipag-usap si Senyorito Sid. Natigilan si Senyorito ng makita siya.

"Ligaya, we need to talk." gusto ko mang tignan ang mangyayari kila Senyorito Sid ay nilingon ko na lang ang medyo naiiritang mukha ni Theo.

Sinikuhan na naman ako ni Kristel. Pero ngayon ay nakangisi na rin si Liezel sa tabi niya. Mukha silang may parehong iniisip. Mga malisyosa! Tumayo na si Senyorito kaya napatayo na ako at sinundan na lang siya.

Patungo kami sa may pool side na tahimik at walang tao. Sariwa ang hangin duon. Nabangga ako sa dibdib niya ng bigla siyang humarap! Yung ilong ko! 

Hinimas ko ang tungki ng ilong ko. Masyado siyang matigas kaya nasaktan ng husto ang ilong ko. Napatingala ako sakanya habang hinihimas ito. Tinignan niya rin ako at nag-iwas ng tingin. Napansin ko ang pamumula ng kanyang tenga. Lumayo ako ng kaonti sakanya at inayos ang dress ko.

Love EntityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon