Chapter 40
Baby
"Hindi ka na ba talaga uuwi?" Tanong ni Tita Aurora sa akin ng pang-siyam na beses na. Natawa ako at napairap na lang.
"Hindi na. Ang importante ay walang nakakaalam kung nasaan ako at masaya naman ako dito. Kayo na lang ang bumisita dito para masaya." Yaya ko kay Tita Aurora.
"Sure ka na ba? Kahapon lang ay nakita na naman ni Luis si Sid sa labas ng bahay. Kasama niya si Alice. Ayaw mo bang makipag-usap sakanila?" Napabuntong hininga na ako sa kakulitan ni Tita.
"Tawagan na lang po kita mamaya at may pasyente pa po akong aasikasuhin." Si Tita na naman ang bumuntong hininga at pinatay ko na ang tawag.
Wala naman talaga akong pasyente pero kailangan ko na patigilan si Tita sa sasabihin niya. Napahilamos ako ng wala sa oras.
"Momma!" I smile widely at inabangan ang paparating na si Mebius. Agad ko siyang binuhat at pinanggigilan ang pisngi.
"Momma! Want Cake!" Sa isang cute na boses niya iyon sinabi. I pinch her cheeks again and again hanggang sa nagreklamo na ito.
"Casia!" Nagsuot ako ng jacket habang inaantay si Casia. Ipapasyal ko muna si Mebius sa malapit na mall.
"Yes, Ma'am?" Tanong ni Casia pagkalapit sa amin. "Cancel the appointments this afternoon at ipapasyal ko itong maganda kong anak!" Hinalikan ko siya sa pisngi. She giggled.
"Sige ma'am." Tumango na lang ako at lumabas na ng office. In past 2 years, wala akong ginawa kundi ang magpatayo ng isang hospital. It's not that big pero nakakahold naman ito ng maraming pasyente. It's semi-private.
I hide. Sa 3 years na iyon ay nakatago kaming pareho ni Mebius. Ayaw kong mahanap pa kami at baka masumbatan lang ulit. Nakakasakit na ng puso ang nangyari dati. Ayaw ko ng maulit pa iyon. Lalong-lalo na at nandito na si Mebius kasama ko na lumalaki na.
"Momma!" Sumakay na kami ng kotse at nagtungo na sa mall. Nagpatugtog ako ng isang kanta na pang bata kaya sinasabayan ito ni Mebius. She's so cute when she sings.
Nakakatakot siya dalhin sa Pilipinas dahil may kahawig siya doon. Ika nga nila ay xerox copy niya ito. The moment a media will lay their eyes on her, makikilala nito ang isang sikat na business man.
"We're here already baby!" Siya na mismo ang nag-ayos ng buhok niya at hinintay na makapark ako ng maayos. Tinanggal ko ang seatbelt na suot ko at ng kanya. May backpack pa siyang dala na puno ng clips at mga pamparetouch niya.
"Momma, let's play together ok?" Tanong niya at inabot ang kamay ko. Napakalambing niyang bata. She always care for me at kapag malungkot ako ay nalalaman niya agad ito kaya papainumin niya ako ng hot chocolate at kakantahan pa. It feels like she is way older than me.
Pumasok kami ng mall at laking tuwa ito ni Mebius. Hinila niya ako sa isang Cafe at agad na naghanap ng mauupuan. Alam na alam na namin ang gagawin kapag sa ganitong lugar. Matalino ang anak ko kaya hindi ako nag-aalala na mauto siya ng kahit na sino.
Pumila na ako at pasulyap-sulyap lang kay Mebius na nakaupo at naglalaro ng kanyang manika. Ako na ang susunod sa pila kaya hindi ko na gaanong malingunan si Mebius at nag-iisip na ako ng oorderin.
"One hot chocolate, one cappucino and two strawberry cake."
I hand my credit card at hinintay na maibigay sa akin ang order ko.As soon as I turn my back to the cashier, para akong binaril ng paulit-ulit sa nakita ko.
A very familiar man standing infront of my daughter. Halata sa pagmumukha nito na naguguluhan siya sa nakikita.
Mabilis ang lakad kong nilapitan ni Mebius at agad siyang yinakap pagkalapit ko. Dumagundong na ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Love Entity
RomanceBehind the happy lies, are the painful truths. Ang kasinungalingang nabuo ay nabuhay ng mahabang panahon at nagbunga ng masasayang alaala na siya ring sisirain ng masalimuot na katotohanan na itinago. Her love and patience will be wasted for nothin...