Chapter 1: Palawan

10 0 0
                                    

"What?!" sabi ko ulit.

"Wala. Sabi ko lilipat nalang kami ng pwesto." iritado niyang sinabi.

Lumangoy ako papuntang malalim at dinungaw ang mga isda.

Nawalan na ako ng hininga kaya umangat na ako.

Dumiretso ako papunta sa mababaw.
Natagpuan ko doon ang parehong lalaki na nakausap ko kanina.

Umupo ako sa buhangin pero malayo sakanya.

"Tsk. Sayang." narinig kong bulong nung lalaki.
Sayang? Ang alin?
Tss. Pake ko ba?

"Friend! Halika na! Andyan na si Troy!" sabi ni Zarrine.

Matagal nang nanliligaw sakin si Troy. Gusto ko siya.

Pero hindi pa yun sapat para sagutin ko siya. Gusto kong malaman kung siya na ba talaga kaya mag iintay ako ng tamang oras. First boyfriend ko ata ito.

Pero to be honest, swerte ako sakanya.
He's caring, and protective. Kahit hindi pa kami, kung makaasta siya, parang maaagaw ako ng iba.

"Hi Janine!" nginitian niya ako at inabutan ng bulaklak.

"Hi Troy! Thank you!" ngumiti ako sakanya.

"Paano friend? Bigyan ko muna kayo ng alone time. Kain lang ako." humalakhak siya.

Tumawa ako at tumango.
Umupo kami ni Troy sa buhangin medyo malayo dun sa nakaupong photographer.

"Hmm..So kamusta? Nakapagfilm ka na ba?" tanong niya.
"Hmm..Oo." sagot ko.

Bubuksan pa sana niya ang bibig niya para magsalita ulit pero may narinig kaming malakas na sigaw.

"Hon!!" sigaw ng isang babae na agad lumapit dun sa photographer.
Ngumisi ang lalaki at agad sinalubong yung babae.

Tsk! Ang ingay ingay nasa public place!

Umirap ako kahit hindi sila nakatingin.

"Oh? Why? Bitter?" tumawa si Troy sa tabi ko.
Umirap ulit ako.  "Hindi! Naiinis lang ako kasi hindi sila nahihiya." sagot ko.
"Bakit ako mahihiya? Eh mahal ko." singit nung lalaki.

"Argh!" Nakakairita! Padabog akong tumayo at umalis.

Ewan ko ba kung bakit galit na agad ako sa napakababaw na rason.

Captured Every Moment With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon