Si Jace? Gwapo nga siya pero masungit.
Tss. Ay hindi.Masungit lang siya sa mga taong hindi malapit sakanya, pero makulit siya at masayahin kapag kaharap niya yung mga taong malapit sakanya.
"Huy! Crush ko na siya! Yiee!" sabi ng isa pang babae.
"Kaso narinig ko sila ni Blake kahapon..may crush na ata siya eh.."
Sino naman kaya yun?Tong batang to hindi nagsasabi sakin!
Hintayin niya at mamaya pipigain ko siya para sabihin sakin kung sino yun.
Sinikap kong makinig parin sa usapan nila."Tapos alam mo yung clue niya nung tinanong siya ni Blake?"
"Ano daw?" pangungulit nung isa pang babae."Camera at Beach." sagot niya.
Teka lang! Parang pamilyar yun ah? Oo, may dala akong camera nung first meeting namin sa beach, pero imposible yun. Magkaibigan lang kami.Pero crush? Kagagaling niya lang sa sakit ah? Pareho kami pero bakit may gusto na siya agad?
Teka nga bakit ko ba iniisip to? Crush lang naman eh. Siguro may nagustuhan lang siyang ugali nung babaeng yun. Kung sino pa siya, ang swerte niya.
Aalis na sana ako pero nagsalita ulit yung nga babae.
"Sino lang ba mahilig kumuha ng mga pictures and videos? Eh isa lang ang sikat na vlogger natin sa school! Si Janine!"
Agad siyang sinaway nung isa niyang kaibigan.
"Shh! Baka marinig ka! Andyan lang siya sa likod!" pagpapatahimik sakanya nung kaibigan niya.
Nung nagbell na ay dumiretso na agad kaming tatlo sa cafeteria.
Habang kumakain ay bigla kaming nilapitan ni Jace, Blake, Vanessa, Allison, at David.Agad lumapit si Blake kay Zarrine at hinawakan ang kamay nito.
"Aly! Sama na kayo samin! Para magkasama na din sila Blake at Zarrine at para magkasama na din tayo."
Nanlaki ang mga mata nila at napatungo nalang ako.
"Ay! Mali ako ng sinabi!" sabi niya.
"KAYO?!" sabi ni Vanessa at Allison.
Umiling agad ako."Hindi! Friends lang kami!" sagot ko at tumingin kay Jace na nakanguso.
BINABASA MO ANG
Captured Every Moment With You
Ficção AdolescenteJanine Alexis Trinidad is a famous youtuber. Hilig niya ang pumunta sa iba't ibang lugar para kuhanan ito ng mga litrato at video. She loves the sky,the sea,and the sand. She is always at the beach. Jace Vincent Sandoval is a professional photograph...