Chapter 24: Thinking of you

6 0 0
                                    

Agad lumipat ang tingin ni Jace sa nagsalita.

"Oh oh oh! Next pose na! Hayaan mo na yun, Jace. Ikaw lang ang nakikita niyan!" sabi ni Zarrine sa malalalim na mga mata ni Jace.

Sa susunod na pose ay nakatayo ako.
May flower na nakalagay sa isang tainga ko.

Para simple ay ngumiti nalang ako pero dumapo ang tingin ko hindi sa camera, kundi sa mga mata ni Jace.

"Miss Trinidad, hindi ka nakatingin sa camera." sabi ni Jace.

Damn! Alam na alam niya talaga na sakanya ako nakatingin ah?
Ngumisi siya.

Umiling ako at tumingin nalang sa ibang photographer.

Ngayon naman ay lahat ng mga models na ang pipicturan.

Lumapit sakin si Jace na nakapamulsa.

Bumulong siya kahit katabi ko na ang ibang models.

"Gandahan mo ang ngiti mo ah? Sayo lang ako titingin." bulong niya.

Ang mga models sa tabi ko ay nagpigil ng tili pero nagsalita parin.

"Makapagvlog nga! Baka makakilala din ako ng gwapo!" kinikilig na sambit ng isa.

"Sige! Mangarap tayo!" Tumawa sila.

Napangiti ako. Ang swerte ko nga.

Pagkatapos ng shoot ay kumain na kami ng dinner.

Pero napansin ko na may kulang.

"Nasaan si Jace?" tanong ko.
"Ikaw ah? Hindi na pwedeng mawala sa tingin mo?" Tumawa si Zarrine.

"Syempre! Ang mga katulad niya hindi na pinapakawalan!"
Humiyaw ang boys habang tumayo naman ako para hanapin si Jace.

Nakita ko siyang pinipicturan ang dagat, buhangin at ang ang langit.
Nilapitan ko siya.

"Hey, Mr. Sandoval." tawag ko.
Nilingon niya ako at ngumiti.

"Miss mo na ako agad?" ngumisi siya.
Umirap ako.

"You ok? Hindi ka pa ba gutom?" tanong ko.
"Hindi. Okay lang."

"Okay..Pero bakit mag isa ka dito?" tanong ko.

Umupo siya kaya tumabi ako sakanya.
"Edi samahan mo ko."
"Anong ginagawa mo dito bukod sa pagtitake ng pictures?" tanong ko.

"Thinking of you."

Tumingin ako sa gilid. Damn kasi eh! Namula yung pisngi ko.

Captured Every Moment With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon