Nag ayos na ako ng gamit para bukas.
Nagdala ako ng iilang dress at two piece.Pagkatapos kong mag ayos ay tumunog nanaman ang phone ko.
"Jan! Miss na miss na kita! May gagawin ka ba? Tara dinner tayo! Marami ka pang ikkwento sakin! Ikaw ah? Di ka na nagsasabi!"
"Sure! I miss you too! Saan ba?"
Umupo ako sa harap ni Zarrine.
"Hmm. So bakit biglaan naman yung dinner?" tanong ko."Bukod sa namiss kita ay marami ka pang dapat ikwento!" sagot niya.
"Alin ba? Ah. Yung offer? Bukas pupunta kaming Boracay..Yun lang naman." sagot ko.
"Hindi yan! Yung kay Jace! Balita ko gusto ka niya ah?" sabi niya.
"Ah. Ayun nga."
Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin sa sitwasyon namin kaya iniiwasan ko muna ang topic na ito.
"Anong ayun nga? So kailan mo sasagutin? Yiee! Kinikilig ako sainyo!" tumili pa siya.
"Shh! Ewan ko. Basta hihintayin ko nalang siguro kapag handa na ako at sigurado yung na yung nararamdaman ko."
Agad akong nagbihis at natulog.
Argh! Ang aga pa bukas.Nagising ako dahil sa tawag galing sa phone ko.
Sinagot ko iyon ng nakapikit. Bakit parang ang daming tumatawag?
"Aly! Hindi ko tatanongin kung nasaan ka na kasi alam ko na nakahiga ka pa! Bangon na!" sabi ni Jace.
Binabaan ko.
Argh! Antok pa ko seryoso. Kailangan ko pa ng mga tatlong oras para matulog.
Naligo na agad ako at nagbihis.
Pumunta na agad ako sa airport."Oh! Ayan na siya!" narinig kong sabi ni..Allison.
Nakita ko rin ang iilang kaibigan ko.
"Huy! Bakit kayo nandito?" Lumapit agad ako sakanila.
"Syempre! Susuportahan ka namin." sagot ni Vanessa.
"Aww! Thank you!"Luminga ako at nakita ko na si Jace.
Fvck. Ang gwapo.Inangat niya ang camerang dala niya.
"Isa ako sa mga swerteng kukuha ng litrato mo." ngumisi siya kaya napangisi na rin ako.
"Swerte huh? Eh hindi nga ako mahilig sa mga ganyan." sagot ko.
"Pero bagay ka dun. Ang ganda ganda mo kaya..Pero mas bagay ka sakin."
Shit! Namula agad ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Tara na! Baka mahuli pa tayo!"
BINABASA MO ANG
Captured Every Moment With You
Novela JuvenilJanine Alexis Trinidad is a famous youtuber. Hilig niya ang pumunta sa iba't ibang lugar para kuhanan ito ng mga litrato at video. She loves the sky,the sea,and the sand. She is always at the beach. Jace Vincent Sandoval is a professional photograph...