Chapter 17: Umamin din

5 0 0
                                    

"May..kailangan ka ba?" tanong ko at inayos ang mga gamit sa locker habang nasa likod ko siya.

Sinara ko iyon at humarap sakanya.
Shit. Ang lapit.

"Hindi mo pa rin ba nakukuha yung gusto kong iparating?" bulong niya at nilagay ang isang kamay sa locker ko.

"H-huh?" Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang lapit niya.

"Hindi mo pa ba nararamdaman?" Mas lalo pa siyang lumapit.

"Ikaw? Naramdaman mo na?"
Medyo nagulat siya sa tanong ko.

"Oo. Kay Vanessa. Diba?" tanong ko.
Ginulo niya ang buhok niya.

"Damn. Bakit ba hindi mo makuha?" bulong niya.

"Ang alin ba? Nakuha ko na kaya? Si Vanessa diba. She's the lucky girl. Yung taong gusto mo."

"Saan mo nakuha yan?" tanong niya.
"Halata na kaya. Lahat ng clues mo, tumutugma sakanya. Tapos yung mga tinginan niyo? May makikita ka talaga na kakaiba." sagot ko.

"Damn! Tinititigan ko siya dahil siya lang ang nakakaalam kung sino ang gusto ko! Kung sino talaga ang babaeng gusto ko." sabi niya.

Nilagay niya ang isa niya pang kamay dahilan kung bakit makulong ako.

"So..hindi si Vanessa? Eh sino?"

"Damn it! Can't you see?"

Nilapit niya ng dahan dahan ang mukha niya sakin.

"Janine Alexis Trinidad...I'm into you." sagot niya at lumapit pa lalo sakin.

Napapikit na ako sa sobrang lapit niya.
Bigla siyang umatras.

Tumalikod siya at tumingala.

"Fvck. Hindi pwede. Hindi ka naman akin." bulong niya.

Pagkatapos ng ilang sandali ay humarap ulit siya sakin.

Hinalikan niya ang noo ko.

"Sorry kung napaaga. Sorry kung biglaan. Sorry kung ikaw pa. Alam kong hindi ka pa handa dahil kakagaling mo lang sa sakit." bulong niya.

"Alam kong hindi to maganda. Dahil pareho tayong galing sa isang sirang relasyon. Pero trust me, walang Vanessa. Simula pa lang, ikaw na."

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kaya nanatili akong tahimik.

Hinawakan niya ang pisngi ko.

"You are just too slow, my love. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang talaga."

Dahan dahan niyang inalis ang kamay niya sa pisngi ko at umalis.

Captured Every Moment With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon