Chapter 25: Selos

6 0 0
                                    

"Hey." Hinarap niya ulit ako sakanya gamit ang kamay niyang hinawakan ang mukha ko.

"Masaya lang ako."
"Bakit?"

"Because you feel the same way." sagot niya.

"Tagal na. Di ko lang inaamin sa sarili ko. Pero ngayon, sure na to."
Ngumiti siya.

"Tara na. Matulog na tayo." sabi niya at tumayo.

Inabot niya sakin ang kamay niya na agad ko namang kinuha.

Sabay kaming umakyat sa room naming magkatapat.

"Nga pala. Sabi mo sakin ka lang titingin. Bakit nakita kitang nakatingin sa isang babae sa tabi ko?" Kunot noong tanong ko sakanya.

Napangiti siya. "Nagseselos ka ba?"
"Wag mong ibahin yung topic!"

"Wala. Pinsan ko yun. At yung kanina, kung bakit wala ako nung dinner, nagkamustahan lang kami." sabi niya.
Tinitigan ko siya.

"Bakit ang honest mo?" Inirapan ko siya.

Mahuhulog na ako nito seryoso.

"Bakit ako magsisinungaling sa babaeng mahal ko? Gusto kong magpakatotoo sayo eh. Ayoko ng mga lihim. At wag na wag kang magseselos sa ibang babae dyan. Isa lang nakikita ng mga mata ko."

Hinawakan niya ang baba ko.

"The most beautiful image is right infront of me."

Fvck it! Matutunaw na ako dito. Pag di pa siya tumigil sasagutin ko na ito ngayon din.

"Wag kang mag iisip ng kung ano ano ah? Kung sila maganda sa paningin ng iba, ikaw, para sakin prinsesa ka."

Sasagutin ko na talaga ito. Talaga.

"Matulog ka na. Love you."
Hinawakan niya ang pisngi ko.

Tumingin pa siya sakin na parang nanghihingi ng permiso kaya tumango ako.

Hinalikan niya ang ulo ko.

"Pasok ka na." sabi ko.
"Ikaw muna." sagot niya.

Ngumuso ako. Alam ko namang hindi ako mananalo dito eh.

"Goodnight!" Ngumiti ako.
"I love you." sagot niya bago ko isara ang pinto.

Promise talaga bukas masasagot na din kita ng i love you too.

Isang galaw nalang, Jace. Mahal na kita.

Captured Every Moment With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon