Chapter 16: Nararamdaman niya na

6 0 0
                                    

"Thank you! Labyu!" tumawa ako at kinindatan siya.
Hinila niya ako.

"Talaga bang nag a-i love you ka pag binigyan ka ng sagot? Kasi kung oo,lahat ng iyan.." tinuro niya ang mga lalaking kaklase ko.

"Hindi ko hahayaang bigyan ka ng sagot."
malamig niyang sinabi.

"Oo na. Sorry na."
"Tara. Kumain na tayo."

Habang kumakain ay ako naman ang minalas na pinag usapan ng squad.
"Janine..pwede kang tanongin? Isa lang." sabi ni Vanessa.
"Sure. Ano yun?"

"May lalaki ka bang nagugustuhan ngayon?" tanong niya.
"Uh...Wala?"

"Bakit parang hindi ka sigurado?" tanong ni Allison. Tumawa sila.
"Hindi nga eh. Ano bang signs pag nagkakagusto ka na sa isang tao?" tanong ko.

"Pag bumibilis yung pagtibok ng puso mo, kahit wala siyang ginagawa. Andyan lang siya, masaya ka na, kumpleto na araw mo. At pag nararamdaman mong importante siya sayo." sagot ni Jace at umalis.

Damn! Bakit parang naramdaman ko na lahat yun?
Pero hindi kay Troy. Kay.. Gusto ko na ba siya?

"Nararamdaman mo na ba?" tanong sakin ni Zarrine.

Mahina akong tumango.

"Wag kang mag-alala. Kung ikaw nararamdaman mo na, siya matagal na siyang nakaramdam." sabi ni Vanessa.

"Siguro nga. Naramdaman niya na, hindi nga lang sakin."

Wala akong naintindihan sa lahat ng tinuro sa afternoon classes.
Argh! Kailangan kong tigilan muna ang pag-iisip!

Pinatong ko ang ulo ko sa table at natulog nalang.
"Wala ka na bang balak gumising?" malamig na tanong ni Jace.

Nag unat ako at nag ayos ng gamit.
"Bakit mo pa ko hinintay?" tanong ko habang nag aayos ng gamit.

"Ayokong iwan ka mag isa eh."
Napatigil ako sa pag aayos.
"Ah..Ganun ba?"

Binitbit ko na ang mga libro ko.
"Pwede ka ng mauna. Ilalagay ko pa to sa locker ko." paalam ko.

Pumunta ako sa locker ko pero napansing nakasunod parin siya.

Captured Every Moment With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon