Hindi ko maipagkakaila na maganda nga siya. Makinis ang mukha at mapula ang labi.
"Ikaw? Mukhang baguhan ka din ah? Saan ka magtatrabaho?" tanong niya.
"May offer din kasi sakin. Magmomodel din." Ngumiti ako."Wait. Janine Trinidad? Ikaw ba yan?"
"Ha? Ah. Oo. Pano mo ko nakilala?"
"Omg! Pinapanood ka kasi lagi ng kapatid ko eh. Ang ganda ng vlogs mo eh. Di ko akalaing magmomodel ka din?" Ngumiti siya."Thank you. So paano ba yan? Mukhang ikaw ang una kong kaibigan?"
"Sure! Friends na tayo ah? Jane Sandoval." Naglahad siya ng kamay.
"Sandoval? May kilala ka bang..uh..Jace?" tanong ko."Ah? Paano mo nakilala? Kapatid ko yun! Yung laging nanonood ng vlogs mo?"
Fvck? Bakit hindi sinabi ni Jace na may kapatid siya? Pareho pa kami ng alis? Wala akong kaalam alam!
Biglang tumunog ang phone niya.
Binuksan niya ang speaker para marinig ko din.
"Hello kuya?""Hello Jane? Kasama mo na ba yung girlfriend ko? Mag ingat kayong dalawa dyan ah?" sabi ni Jace.
"Val! Bakit hindi mo agad sinabi?"Tumawa siya. Gosh, miss ko na siya.
"Basta mag ingat kayo dyan..Mahal na mahal ko kayo pareho." sagot niya at binaba ang tawag.Seryoso? Unang kaibigan ko, kapatid ni Jace?
"This picture is good!" sabi ng photographer na kumuha ng picture ko.Pinakita niya iyon sa iba pang photographers.
Nagdesisyon silang ilagay iyon sa first page ng bagong ilalabas na magazine.
"So..What's your decision? You want to stay here?" ngumiti ang secretary sakin.Naalala ko ang tawag ni Jace sakin kagabi.
'Kung gusto mo, tanggapin mo. Kahit gaano katagal. Maghihintay ako. I love you.'
Bumuntong hininga ako at sumagot.
"I'll stay."
Ngumiti siya.Isang buwan na akong nagtatrabaho.
Habang inaayusan ako ay tumawag sakin si Zarrine.
"Zarrine! Namiss kita! Napatawag ka?""Namiss din kita..pero..sabihin ko ba?" narinig kong bulong niya sa mga kaibigan ko.
"Zarrine..May problema ba? Sabihin mo."
BINABASA MO ANG
Captured Every Moment With You
Teen FictionJanine Alexis Trinidad is a famous youtuber. Hilig niya ang pumunta sa iba't ibang lugar para kuhanan ito ng mga litrato at video. She loves the sky,the sea,and the sand. She is always at the beach. Jace Vincent Sandoval is a professional photograph...