"Pwede ba? Wag ka ng magpanggap! Kung napipilitan ka lang sakin, ngayon pwede ka ng lumayo."
"Pero-" pinutol ko siya."Pero pag nawala ako, hindi ka sisikat diba? Yun lang ang gusto mo! You just want the fame! Narinig ko Troy!"
Hindi siya nakasagot."10 months, Troy! Bakit kung kailan malapit na kong mahulog dun ko pa narinig?"
Sinampal ko siya.
"Sa pag papaasa sakin."
Tumalikod ako sakanya."Buti na lang..Buti nalang hindi naging tayo." bulong ko bago ko siya iniwang nakatayo doon.
Halos mapatigil ako dahil alam kong nakita ko na ang kasama niyang babae doon.
Siya yung..Yung girlfriend nung photographer?
Pumunta ako sa buhangin at umupo doon, malayo sa mga tao.Humalukipkip ako sa tuhod ko at tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
May narinig akong papalapit sakin.
Nag angat ako ng tingin at nakitang yung photographer yung nandoon.
Tumingala siya."Pwedeng tumabi?" tanong niya sakin kaya tumango nalang ako.
Pinunasan ko ang luha ko."Ikaw din pala.." tumawa siya pero alam mong may lungkot sa boses niya.
"Akalain mo yun? Yung babaeng isang beses ko pa lang nakita, kinaiinisan ko na..ay pareho sa sitwasyon ko ngayon..pareho tayong naloko.." mahina niyang sinabi."Ang sakit noh?" tanong ko at tumango siya.
"Pero..dapat hindi ka umiyak..Wag kang magpapadala sa mga taong lolokohin ka lang..One day, mahahanap mo na yung taong para sayo na mamahalin ka ng todo..Kaya wag ka ng umiyak." sabi niyang nagpangiti sakin.
Dumami pa ang napagusapan namin.
Nalaman kong 1 year din ang tinagal nila nung girlfriend niya.Grabe naman, ang sakit sakit siguro nun.
Mas matagal pala sila kaysa samin..tapos sila pa.
Nung nagdilim na ay nagpasya na kaming umuwi."Ah..Kailangan ko ng umuwi.." paalam ko.
"Sige..Salamat sa oras." ngumiti siya.
"Thank you din." ngumiti ako.Naglahad siya ng kamay.
"Jace Sandoval."
Tinanggap ko iyon.
"Janine Trinidad."
BINABASA MO ANG
Captured Every Moment With You
Novela JuvenilJanine Alexis Trinidad is a famous youtuber. Hilig niya ang pumunta sa iba't ibang lugar para kuhanan ito ng mga litrato at video. She loves the sky,the sea,and the sand. She is always at the beach. Jace Vincent Sandoval is a professional photograph...