Monday nanaman at ang aga ko ngayon.
Wala pa akong ni isang tao na nakikita.
Tiningnan ko ang relo at nakitang 5:00 pa lang.Umupo ako sa tambayan namin at nagsuot ng earphones.
Saktong tumugtog ang Thru these tears.
"In the end I'm gonna be alright. But it might take a hundred sleepless nights."
Parang umaayon talaga sakin ang kanta ah?
Pero malapit na akong makaahon.
Malapit na malapit na.Pero parang hindi naman si Troy yung dahilan kung bakit ako hindi makatulog gabi-gabi?
'Interesado ako sayo'
Pinilig ko ang ulo ko.
Bakit ba paulit ulit ko yung iniisip?Nag angat ako ng tingin sa taong kakarating lang.
Ugh! Sa dinami daming tao bakit siya pa ang nauna?"Uh. Hi?" nag aalinlangan pa ako kung babatiin ko siya.
"Hi." malamig niyang sagot.Umupo siya sa tabi ko at nagsuot ng earphones.
Dumating ang iba pa naming kasama kaya umingay na din ako.
Pero siya ay hindi parin nagsasalita at parang wala sa mood."Uy,dude!" bati sakanya ni Blake.
Tumango lang siya."Anyare? Inaway mo, Janine?" tanong ni Blake at tumawa.
Tinarayan ko siya.
"Huy! Ano nanamang problema mo?" kinulit ko siya.
"Ikaw."
"Luh? Anong ginawa ko sayo?"Ginulo niya ang buhok niya.
"This is damn hard!" sabi niya at umalis.
Ano ba ang mahirap? Eh kung sabihin niya kaya?
Math time na at nagbigay nanaman ng quiz ang magaling naming teacher.
Argh!Wala akong alam kahit isa!
Sinipa ko ng palihim ang paa ni Jace.
"Huy! Tulungan mo ko." bulong ko.
"Tss." sagot niya
Akala ko ay hindi niya ako tutulungan pero nagulat ako nang inabot niya sakin ang papel niya.Wooh! Oh yes!
Mabilis kong kinopya ang lahat ng sinulat niya.
Inabot ko pabalik ang papel niya at sabay kaming nagpasa.
BINABASA MO ANG
Captured Every Moment With You
Novela JuvenilJanine Alexis Trinidad is a famous youtuber. Hilig niya ang pumunta sa iba't ibang lugar para kuhanan ito ng mga litrato at video. She loves the sky,the sea,and the sand. She is always at the beach. Jace Vincent Sandoval is a professional photograph...