Argh! Pasukan nanaman!
Hinanda ko ang gamit ko at umalis na agad ng hindi na nagbreakfast.Pinark ko ang sasakyan at bumaba na agad.
Maaga pa naman kaya nagsuot ako ng earphones habang naglalakad.
Hindi pa ako nakakalayo sa parking lot ay may tumawag na sakin.
"Janine?" tawag ng kung sino sa likod ko."Jace? Bakit ka nandito?"
"Dahil dito ako nag-aaral?" pilosopo niyang sagot.Umirap ako.
"Pero seryoso, ang galing! Pareho tayo ng pinapasukang university?" sabi ko.
Ngumiti siya."Baka sinusundan mo lang ako." bulong niya sa sarili niya.
"Eww! Wag feeler!""Pero bago ako dito! Sama ako sayo! Friends tayo diba?" sabi niya.
Tumawa ako sa kakulitan niya.
"Tara."Sinalubong ako ng mga kaibigan ko.
"Huy! Sino yan ha?" tanong nila.
"Kaibigan ko..""Ahh. Sige..Kung yun ang sabi mo."
Kumunot ang noo ko.Ano ba ang dapat kong sabihin?
"Tingin nga ng sched mo?" sabi ni Jace.Inabot ko yun ng hindi tumitingin sakanya dahil kausap ko sila Zarrine.
"Fuck!" mura niya."Bakit?" nilingon ko siya.
"Hindi tayo magkaklase kahit isang subject!" iritado niyang sinabi.
"Huh? Anong problema? Wag mong sabihing hindi mo kaya mag-isa?" tumawa ako.Ginulo niya ang buhok niya at hinila ako papalapit sakanya.
"Ayokong may pumoporma sayo, lalo na na kakagaling mo lang sa sakit." seryoso niyang bulong.
Napangiti ako. Bait ah?Nung breaktime ay lumapit si Jace sakin.
Ngumisi siya. "Kaklase kita sa isang subject." sabi niya."Ha? Saan? Bakit?"
"Math.""Paano mo napapayag yung teachers? Ang alam ko pag ayos na ang schedule hindi na pwedeng galawin." nagtataka kong tanong.
"Syempre pumayag dahil gwapo ako."
Umirap ako at umiling."Bakit? Hindi ka ba sang-ayon na gwapo ako?" kumunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
Captured Every Moment With You
Teen FictionJanine Alexis Trinidad is a famous youtuber. Hilig niya ang pumunta sa iba't ibang lugar para kuhanan ito ng mga litrato at video. She loves the sky,the sea,and the sand. She is always at the beach. Jace Vincent Sandoval is a professional photograph...