Chapter 2: Truth

9 0 0
                                    


2 weeks na simula nang nanggaling ako sa Palawan.

Nag-aayos ako ng gamit para makaalis na kami. Kinuha ko ang camera at nilagay sa bag. Dahil hindi pa naman pasukan, inuubos ko ang oras ko sa pagfifilm at pag uupload ng videos.

Meron rin naman kasi itong kita eh.
"Janine!" tawag sakin ni Andrea, isa pa sa mga kaibigan ko.

Siya ang kasama ko ngayon dahil may ginagawa si Zarrine. Okay lang din naman para hindi na paulit ulit na siya ang guest ko sa mga videos ko.

Tumango ako at agad na nilagay sa likod ang bag.

Sinundo kami ngayon ni Troy. Dahil sa bilis ng pagtakbo niya ay nandito na agad kami sa Lobo, Batangas.

"Wait lang, Jan..May pupuntahan lang ako." paalam ni Troy.

Tumango ako at ngumiti. Parang ang gwapo niya ngayon ah?

Habang nag eedit ng video ay biglang tumunog ang phone ko.

Nakita kong tumatawag si Zarrine kaya agad ko iyong sinagot.
"Hello? Zarrine? Napatawag ka?"

"Hello? Janine, busy ka ba? Sobrang dami ko kasing ginagawa..Kung wala kang ginagawa, pwede mo ba kong tulungan?" desperadang sabi niya.

Magkaiba kami ng university kaya stress na stress na siya ngayon.

Nagsimula na kasi ang klase nila at ang daming requirements.

"Oh sige..Dadating ako dyan mga 3 pm..Ok lang ba?"

"Sure! Thank you, Janine! Bye! I love you!"
"Bye! I love you!" sagot ko at binaba ang tawag.

Tinapos ko lang saglit ang pag eedit para matulungan na si Zarrine nang napansin kong hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik si Troy.

Pumunta ako sa mga kubo para tingnan siya. Nasa second to the last na akong kubo nang may narinig akong nag uusap.

"Wag kang mag-alala. Pag sumikat siya hihiwalayan ko na." dinig kong sabi ng isang lalaki.

Sumilip ako at nakita ko si Troy na may kasamang babae na hawak niya ang kamay.

"Pag sumikat siya, sisikat rin ako dahil kilala ako ng mga nanonood sakanya."

"Fuck?" Hindi ko napigilan ang bibig ko at parang kusa itong nagsalita.
"Hindi mo kailangan mag explain. I'm not your girl." sabi ko habang sinusundan niya ako.

"No. Wait, Janine."
Lumingon ako sakanya.

Buong akala ko nagpakatotoo ka sakin, hindi pala.

Captured Every Moment With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon