Inayos ko ang camera para makapagfilm na.
"Hi guys!" panimula ko.
"So kasama ko ngayon si Zarrine at nandito kami sa Palawan!" ngumiti ako at hinila si Zarrine sa gilid ko.
"So magpapalit muna kami ng damit then swimming and itotour ko na kayo dito sa place."
Inoff ko ang camera at agad na nagreklamo si Zarrine.
"Hay nako! Ang init init magvvlog ka pa?" sabi niya at pinaypayan ang sarili niya.
"Ganun talaga! Memories to no!"
"Sabagay.." tumango siya."Excuse me, Miss.." untag ng isang lalaking may hawak ding camera.
"Huh?" nagtataka kong tanong, nakatayo lang naman kasi ako dito. Hindi naman ako nasa daanan niya ah.
"May pinipicturan ako." dagdag niya.
Tumingin ako sa likuran ko at nakitang may mga models na nakapwesto doon.Professional models ata ito ah?
"Sorry.." sagot ko at umalis doon.
Nang nakapagbihis na ay bumalik na agad ako sa dagat.Nauna ako dito dahil kasama pa ni Zarrine ang boyfriend niya.
"Excuse me ulit.." sabi ng parehas na lalaki kanina.
Hanggang ngayon di parin sila tapos? Argh!Umusog ako ng kaunti pero agad siyang nagsalita.
"Kita ka parin." sumimangot siya.
"Sobra ka naman ata? Kanina ka pa ah? Nananadya ka? Pag-aari mo ba tong beach? Ikaw ang mag-adjust!" inirapan ko siya."Fuck. Ang taray." iritado niyang bulong.
BINABASA MO ANG
Captured Every Moment With You
Roman pour AdolescentsJanine Alexis Trinidad is a famous youtuber. Hilig niya ang pumunta sa iba't ibang lugar para kuhanan ito ng mga litrato at video. She loves the sky,the sea,and the sand. She is always at the beach. Jace Vincent Sandoval is a professional photograph...