Bakit ganito yung feeling? Parang siya lang yung nakikita ko kahit madami yung tao?
"Ain't ever felt this way..Can't get enough so stay with me..It's not like we got big plans..Let's drive around town holding hands..and ya need to know, you're the only one. Alright, alright. And ya need to know that ya keep me up. All night, all night. Oh, my heart hurts so good."
Napatingin siya sakin. Sa mata ko.
"I love you, babe. So bad, So bad."
Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sakin dahil bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko.
Nag iwas nalang ako ng tingin.Lumingon sila sakin kaya lumapit na ako.
"Morning." bati ko at napatingin kay Jace na..nagtatago ng ngiti?
Bakit kaya? May masaya bang nangyari?"Huy! Namiss kita!" sabi ni Zarrine at niyakap ako.
Ngumiti ako. "Ako din!" Niyakap ko siya pabalik."So uhm..anong oras tayo uuwi?" tanong ko.
Hindi sila sumagot at tinitigan lang ako gamit ang mga naaaliw na mga mata.
"Ba..kit?" tanong ko.
"Wala naman." ngumisi si David na katabi si Allison.
Hmm. May maganda nga atang nangyayari. Pero feeling ko parin may hindi sila sinasabi sakin.Inabot sakin ni Jace ang kamay niya para makaakyat ako sa bangka.
Tinanggap ko iyon.Binuksan ko ang camera ko at nagfilm.
"So guys,ngayon na ang last day namin dito. Pauwi na kami at nandito kami ngayon sa boat at kasama ko si Jace."
Tinapat ko sa topless na si Jace ang camera.
"Say Hi to my vlog!" tumawa ako.
Imbes na sa camera siya tumingin ay sakin siya tumitig."Ang ganda mo." sinabi niya ito gamit lang ang kanyang bibig, walang boses.
Nag iwas ako ng tingin at tumingin nalang ulit sa camera.
"Uh..Thanks for watching! Bye!"
Napatingin ulit ako kay Jace.
"I love you.."Bumalik ang tingin ko sa camera.
"All. I love you all!" ngumiti ako.
Pinatay ko na agad yun.Tahimik lang kaming dalawa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya ako na ang unang nagsalita.
"Bakit sakin ka sumabay ulit? Pwede namang si Vanessa na lang ang isama mo dito sa bangka."
Umiling siya.
"Gusto ko ikaw eh.""B-bakit ako?" nauutal kong tanong.
"Kasi interesado ako sayo."
Hindi makatinging sagot niya.
BINABASA MO ANG
Captured Every Moment With You
Fiksi RemajaJanine Alexis Trinidad is a famous youtuber. Hilig niya ang pumunta sa iba't ibang lugar para kuhanan ito ng mga litrato at video. She loves the sky,the sea,and the sand. She is always at the beach. Jace Vincent Sandoval is a professional photograph...