Chapter 21: Confused

7 0 0
                                    

Tulog lang ako buong byahe namin sa eroplano.
Ang katabi ko ay si Jace.

Isang oras lang naman ang byahe kaya inubos ko na lang ang oras sa tulog.

Nagising ako dahil sa naramdaman kong kamay. Nilagay niya ang takas na buhok sa likod ng tainga ko.

Nag iwas siya ng tingin nang minulat ko na ang mata ko.

"Tara na..Bumaba na sila." sabi niya at siya na ang nagdala ng gamit ko.
Napangiti ako. Fvck naman. Ang gwapo kasi eh.

"Huy ano? Hindi ka pa magvvlog? Wala ka pang video dito sa Boracay ah?" tanong sakin ni Zarrine.

Sinundan niya ng tingin ang taong tinitingnan ko.

"Tama na, baka matunaw na si Jace niyan." Tumawa siya.

Napalingon si Jace samin, narinig siguro ang pangalan niya.
Umiling lang ako at nag iwas ng tingin.

"Come on, Janine. Hindi lang dahil umamin siya ay iiwas ka na. Kung hindi ka pa sure sa feelings mo, kahit konti, pansinin mo naman..Ikaw ang pinakamalapit sakanya eh..Kahit gaano kami kaingay ay ikaw parin ang makakapagpasaya sakanya..Kaya kahit as a friend lang muna..Kausapin mo." sabi niya.

Tama siya. Simula ng sinabi niya iyon ay hindi na siya masyadong nagsasalita. Sobrang tahimik lang at palaging nasa phone.

"Pero hindi ka namin pinipilit ah? Sinasabi lang namin." ngumiti siya.
Tumango ako at ngumiti.

"Mauna na kami ah?"
Tumango siya.

Nilapitan ko si Jace.

"Huy! Tara na! Mauna na tayo dun! Importante ka pa naman dun." Hinila ko na siya.

"Paano sila?" tanong niya.
Nilingon niya sila Zarrine pero nakatitig lang ako sakanya.

"Kakain daw muna sila. Tara na." mahina niyang sinabi.

Magkatapat kami ng room.

Pagkatapos kong mag ayos ng gamit ay nakarinig ako ng katok galing sa labas.

"Aly..Magphophotoshoot na mamayang sunset.Pero bababa na tayo. Iintayin lang kita dito sa labas." tawag ni Jace.

Agad akong lumabas.

"Ano bang kailangan kong suotin?"
"Mag two piece ka tapos patungan mo ng see through dress. Okay?" Biglang sabi ni Zarrine na kakadating lang.
Tumango ako at binalingan si Jace.

"Mauna ka na..Uhm..Andito naman si Zarrine..Diba?" Bumaling ako kay Zarrine.

"Ha? Ah. Oo nalang."

Dahan dahang tumango si Jace.

Captured Every Moment With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon