Nagising ako dahil tumunog ang phone ko.
"Good morning, Ms. Trinidad. We saw your pictures at the magazines. I'm a filipino here at Australia. Nagtatrabaho ako sa mga ganyang photoshoots? Photographer din ako..at nung nakita namin dito yung pictures mo sobra kaming nagandahan. Kaya kung gusto mo. We have an offer for you.."
"Ano po yun?"
Wala na akong oras para bumati. Gusto ko ng diretsahan.
"Pwede ka bang maging model namin? Kahit 2 weeks lang? Kung wala kang trabaho, then this is a great opportunity. Pwede kang magtagal dito."
Narinig kong may kumatok.
"Pag iisipan ko po."
Agad ko iyong binaba at pumunta sa pintuan."Morning!"
Ayokong mawala yung ngiti sa mukha niya.Tatanggapin ko ba? Pangarap ng pamilya ko na pag sumikat ako, makapunta ako sa ibang bansa.
Pero hindi ko kayang iwan ang lalaking nasa harap ko.
Niyakap ko siya.Halatang nagulat siya pero niyakap niya ako pabalik.
"May problema ba?"Hindi ako sumagot imbes ay mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.
Yung tipong mawawala ko siya. Hindi ko ata kakayanin.Ito na ata ang pinakamahigpit at pinakamatagal na yakap ko sakanya.
Yakap na puno ng pagmamahal."Tanggapin mo, anak!" masayang sambit ni mommy nang sinabi ko sakanya.
"Ma, maiiwan ko kayo." nag aalinlangan kong sagot.
"Ano ka ba,anak. Kaya namin dito. Pangarap natin yan!"Humiga agad ako sa kama.
Paano na to?
Umiyak ako buong gabi.
Sobrang hirap mamili.Ang resulta ay namaga ang mga mata ko kaya umalis na agad ako sa bahay para hindi na nila ito makita.
Sinalubong ako ni Jace ng nag aalalang mga mata."What happened? May nanakit sayo?" tanong niya.
"Usap tayo, please." malungkot kong sambit.
"Pakisabi umuwi na kami, masama ang pakiramdam ni Janine." paalam ni Jace sa mga kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
Captured Every Moment With You
Teen FictionJanine Alexis Trinidad is a famous youtuber. Hilig niya ang pumunta sa iba't ibang lugar para kuhanan ito ng mga litrato at video. She loves the sky,the sea,and the sand. She is always at the beach. Jace Vincent Sandoval is a professional photograph...