Chapter 30: Back

8 0 0
                                    

"Ano kasi eh..may sakit si Jace..Gagaling tapos magkakasakit ulit. Pero ngayon, ayaw na talaga niyang kumain at matulog.Lagi lang siyang pumupunta sa mga dagat kung nasaan tayo dati..Last week nasa Batangas siya..Pero ngayon..nasa Palawan siya. Ayaw niya bumalik kahit may sakit siya..Ilang beses ka na naming gustong tawagan pero sabi niya wag daw..Kasi pangarap mo daw yan.."

"T-tinry niyo bang tawagan si Jane?"
Tumingin ako kay Jane na papalapit sakin.

"Uuwi ka na? Susunod ako..Ako nalang kukuha ng sweldo mo." mahina siyang ngumiti.
Umalis agad ako. Hindi na ako nakapagpaalam pero wala na akong pakialam.

Tinawagan ko si Jace.
"Val? Kamusta? Ang ganda ng pictures mo ah?" rinig ko ang lungkot sa boses niya.

"Val..asaan ka?" tanong ko.
"Ha? Ah. Nandito kila Blake..Nag uusap usap lang.." sagot niya.
"Ugh! Kahit kailan ang kulit mo! Intayin mo ko dyan."

Pinunasan ko ang luha ko nang palapag na ang eroplano.
Kumuha agad ako ng ticket papuntang Palawan.

Mabilis lang ang byahe.
Tinext ni Zarrine ang lugar kung nasaan si Jace. Mabilis lang din akong nakarating.

Nakita ko ang lalaking mahal ko na nakahiga sa buhangin.

Nakapatong ang braso niya sa mukha niya na para bang tinatago niya ito.
Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap siya.

Naramdaman ko agad ang init sa katawan niya.

Umayos kami ng upo.
Pinunasan niya ang luha ko.
Pinalo ko siya, maraming beses.

"Bakit hindi mo sinabi? Nakakainis ka naman eh. Kayang kaya ko naman na tanggihan yun eh! Pangarap rin kita kaya wag kang ano dyan! Nakakainis ka!"

Hindi siya sumagot pero niyakap nanaman niya ako.

"Sorry. Sorry talaga. Hindi ko kinaya. Ang hirap pala malayo sayo." bulong niyang mas lalong nagpaiyak sakin.
"Hindi ko natupad yung mga sinabi ko sayo. Na kahit ilang taon, hihintayin kita. Nagpabaya ako sa sarili ko. Sorry. Mahal ma mahal lang talaga kita."

"Bumalik na ako at hindi na ulit ako aalis."

Pinapanood namin ang sunset.

Hindi, ako lang pala. Kasi siya, ako ang pinapanood.

Captured Every Moment With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon