Nagbihis agad ako ng sinabi ni Zarrine.
Umupo siya sa kama ko."Hay...Kamusta ka naman, Jan?" tanong niya.
Tumabi ako sakanya."Hindi pa din ako sigurado. Ang alam ko lang, gusto ko siya."
Bumuntong hininga siya."Hay nako, girl! Hindi ka sure pero gusto mo siya? Kausapin mo na ngayon! Mamaya pa naman ang photoshoot."
Ngumiti ako at tumango.
Natagpuan ko si Jace na nakaupo sa buhangin at malayo ang tingin.
Malapit na rin ang sunset.
Pinicturan ko siya.Ang unang lalaking nagustuhan ko.
Siguro si Troy ay..crush lang? Kasi ito iba na. Totoo na to. Sigurado na.
Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya.
"Sorry ah?" panimula ko."Sorry saan?" mahina niyang tanong.
"Sorry dahil lumayo ako, umiwas ako. Sorry ah..Alam kong hindi madali na umamin sa taong gusto mo. At mas lalong mahirap kasi iniwasan kita. Sorry. Akala ko lang hindi ako handa..Pero naisip ko na din..Ayokong mawala ka sakin..Jace, gusto kita." mahina kong sagot.
Shit! Nasabi ko na! Pumikit ako.
Hindi siya nagsalita kaya minulat ko ang mata ko.
"Pwede ka bang yakapin? Namiss kita eh." paalam niya.
Niyakap ko siya. Ng mahigpit.
"Gusto kita, sobra." bulong ko.
"Pwede ka bang ligawan? Magpapaalam ako pero kung hindi ka papayag, liligawan parin kita." seryosong sagot niya.
Napatingin agad ako sakanya at kumalas sa yakap. Mahina akong natawa.
"I fell, Janine. Nahulog ako." bulong niya.
Tumindig ang balahibo ko. Ngayon niya lang ulit ako tinawag sa pangalan ko.
Lagi niya na kasi akong tinatawag sa gawa niyang pangalan eh.
Sumandal ako sa balikat niya, Sunset na.
"Syempre oo! Pero tanungin muna natin ang bestfriend ko." ngumisi ako.
May narinig akong nagflash na parang camera sa likod.
"Syempre payag kami!" sigaw ng friends namin sa likod.
Inabot niya ang instax film ng litrato naming dalawa ni Jace."Your first picture together!" tumili siya.
BINABASA MO ANG
Captured Every Moment With You
Fiksi RemajaJanine Alexis Trinidad is a famous youtuber. Hilig niya ang pumunta sa iba't ibang lugar para kuhanan ito ng mga litrato at video. She loves the sky,the sea,and the sand. She is always at the beach. Jace Vincent Sandoval is a professional photograph...