Sept. 09, 2003..
5:30am.. Shit!! Ang dilim pa.. Pero kailangang bumangon.. First day ko sa school ngayon..
Oo, transferee ako.. Galing akong Quezon City.. Pero pinatransfer ako ni Daddy dito sa Mindoro.. Sa probinsya niya.. Kailangan ko daw magtino.. Kailangang madisiplina.. And his only way to do that is for me to experience kung ano yung mga naranasan niya nung high school siya.. Dito kasi siya lumaki, dito nag-aral.. Dito din niya nakilala si Mommy..
Dito niya ko pinatira sa bahay ng tiyahin ko na pinsan niya.. Kasama yung dalawang anak niya.. Mga pinsan ko.. Isang lalake, isang babae..
Ang agreement, dito ako titira hanggang matapos ko yung high school..
Badtrip!!! As in badtrip talaga kasi nasa Manila yung mga tropa ko.. Mga kababata ko.. Pero sabi nila, naliligaw na daw ako ng landas..Sa isang private school sa Quezon City ako nag first year.. Hindi na ko tinanggap nung second year kasi nagreklamo yung mga parents ng classmates ko.. Binubully ko daw.. Ewan ko dun sa mga lampang classmates ko na pinaglihi yata sa balat ng sibuyas.
Masagi mo lang konte, umiiyak na..
Sa isang public school naman ako nagenroll ng second year.. Pero nakick out ako nung may sinapok akong estudyante.. Sinumpit niya kasi ako ng sago.. Tinamaan ako sa polo.. Nasa second floor siya nun.. Nasa baba ako.. Sabi niya sorry daw, hindi niya daw sadya.. Ok na sana e.. Kaso tumawa pa.. Ayun.. Inakyat ko.. Sakto kakapasok pa lang nung teacher nila after ng recess.."Good morning po ma'am.. Pa-excuse naman po ako dun.. (habang tinuturo ko ung sumumpit saken..).. Ayun po o.. Yung may kulay yung buhok.." sabi ko dun sa teacher nila.. Nagtinginan lahat..
"Baket?" tanong nung teacher..
Actually, hindi ko din alam gagawin ko dun sa gagong yun.. Gusto ko lang takutin.."Sinumpit niya po kasi ako ng sago kanina.. E tinawanan pa po ako.." sabi ko.. Tahimik na ung buong klase nila..
Pero itong kupal, imbes na manahimik na lang, bumanat pa ng; "para sago lang e.. Para ka namang bakla.."
Ayos di ba?? Orayt..
So after niyang sabihin yun, tinakbo ko na siya sa loob ng room nila.. Humarang yung mga classmates niya pero naitulak ko hanggang mahawakan ko si kupal.. Sinapak ko ng isa.. Nakita kong naduling siya.. Medio malakas din pala akong sumuntok.. Tas nahawakan na ko nung mga classmates niya.. Pero hindi ako bumitaw.. Nagawa ko pang hawakan siya sa buhok at ihampas yung mukha niya sa arm chair..
Ayun.. Hindi na natapos yung araw.. Pinauwi na ko.. Hindi daw ako makakabalik pag hindi ko kasama magulang ko..Pumunta si Daddy sa school.. Nagusap kami sa guidance office kasama yung guidance councilor..
Then, pinalabas ako.. Naiwan si Daddy.. Alam kong bembang na naman ako nito.. Iniisip ko na kung anong ipapalusot ko.. Bahala na.. Sasabihin ko na lang na hindi ko na uulitin..Paglabas nia.. Nakangiti siya.. Alam niyo yun?? Yung hindi niyo ine-expect na reaction niya.. Lalo tuloy akong kinabahan..
"Dad, sorry po.. Hindi na mauulit.. Ang angas kasi nun e.. (pertaining dun sa estudyanteng nasapok ko..)" sabi ko..
"It's alright.. Hindi na talaga mauulit yun.." sabi niya..
"Anong sabi po dad?"
"Sakay ka na.." sabi niya..
Pinapasakay ako ng kotse..
"Dad.. May pasok po ako.." sabi ko.. Nakauniform pa kasi ako.. Ready talaga akong pumasok at magbagong buhay..
"I said get in the car!!!" sigaw niya..
Ok.. Biglang nagbago yung mukha niya.. Hindi pala ok.. So sumakay na ko..
"Dad, anu pong sabi?" tanong ko..
"Hindi mo na mauulit yung kagaguhan mo dito kasi kick out ka na.. Hindi ka na nila tinatanggap dito.." sagot niya..
BINABASA MO ANG
My Angel (Completed)
Romance"You know what.. Wag muna.. Until all your pain is gone.. Baka masaktan din lang kasi siya e.. Kung magmamahal ka, make sure na malaya ka na from the pain that I'm giving you now.."