Pasukan..
Ang sarap amuyin ng bagong gamit sa school.. amoy pabrika..
Eto malupet.. si Prince, may pa-uso.. Naglagay ng Egg White sa buhok.. Oo, ung sa itlog.. Ang tigas ng buhok nia..
"Bakit itlog nilagay mo..?? walang nagtitinda sa inio ng gel..?" tanong ko..
"Grabe ka naman.. meron.. pero mas maganda daw tong itlog.. magiging healthy daw ung buhok.." sagot nia..
"Hahabulin ka ng mga chix nian, brad.. Chix na langaw.." banat ni Dexter.. yahahahahaha..
Sobrang hiya siguro ni Prince, lumabas ng school.. bumili ng shampoo.. tas pagbalik nia, wala na ung itlog sa buhok nia.. yahahaha..
Pero eto talaga malupet.. Si Angela.. Fist time nilang nakita na nakashoes.. Pramis.. Iba datingan nia..
"Brad, tumama ba sa sweepstakes si Hinata..?" tanong saken ni Dexter..
"Baket..?"
"Kasi puro bago yung suot o.. tingnan mo.. Bago shoes, bago din yung uniform.. Yung bag lang yung hindi bago.." sabi nia..
"Shit! Oo nga no.. bakit hindi ko naisip na bilhan siya ng bagong bag..?" tanong ko sa isip ko..
"Grabe ka naman.. Malay mo naka-ipon.. Masipag yan.. baka nga mas may pera pa yan kesa saten e.." sagot ko..
"Umamin ka nga.. kayo na no?"
"Tanga hindi pa.. ayaw pa nga nia.."
"Grabeng pakipot naman.. ganito brad.. may tuturo ako sayo.. Gawin mo, pagselosin mo.. Kunyari makikipagclose-close ka ulet kay Hannah.. Magseselos yun brad.. Tas hindi na nia matatago yun.. Aamin na yun.. Tas tsaka mo na pasagutin.." sabi nia..
"Shuuunnngggaaaa ka.. wag ganun brad.. Nirerespeto ko yung gusto nia.. Willing to wait naman ako e.. Tsaka gagaguhin ko pa si Hannah.. E high blood pa nga saken yun.." sagot ko..
"Eto Jared, wag namang sasama loob mo 'no.. Pero sure ka ba na tama lang yung pinaghihitay mo..? Baka pagdating ng panahon, ikaw din ang talo jan.."
"Ang mahalaga, binigay ko yung best ko.. Now, kung hindi pa sapat yun sa kania, at least wala akong pagsisihan na nagkulang ako.."
"Tangina, iba ka Red.. Iba ka.."
"Ganun talaga brad.. And besides, ok naman na kami ni Hinata e.. Hindi na kailangan ng label.. nagde-date na nga kami e.." sabi ko..
And ganun na nga ulet yung naging setup namen.. Palagi na namin siyang kasabay maglunch.. Nagiging potluck na nga e.. kasi share-share kami ng food.. Si Yollai din kasama namen.. tas everyday, hinahatid ko siya pauwi sa kanila..
I asked her to take a rank sa CAT.. Eligible naman siya kasi star section nga kami.. So naging MP (Military Police) siya.. Its a notch higher than ordinary cadet.. Pumayag naman siya.. So may reason na din siyang malate ng uwi.. Hehehe.. Napilit ko din sina Prince at Dexter na maging MP.. Inuto ko lang sila.. Sabi ko, padadagdagan ko grade nila sa CAT.. Pero actually, ang gusto ko lang is bantayan nila si Angela.. Karamihan kasi sa mga MP, mga lalaki.. And most of the time, mga basketball players pa.. Delikado.. Baka pormahan si Angela.. Hindi maari..
Mid ng 2nd grading.. Hinugot kami ni Angela para lumaban sa Pop Quiz Bee sa Calapan, capital ng Oriental Mindoro.. Parang Quiz Bee on General Information.. Kami kasi yung Top1 and Top2 ng klase for first grading.. We badly need this kasi dagdag sa extracurricular points 'to..
Kalaban namen yung mga ibang High Schools sa Oriental Mindoro.. Mga around 20-25 schools siguro.. Medio mabigat na laban 'to kasi may prize.. P30K dun sa mga participants na estudyante.. P20K para dun sa school na ire-represent nila.. P10k para dun sa coach..
BINABASA MO ANG
My Angel (Completed)
Romance"You know what.. Wag muna.. Until all your pain is gone.. Baka masaktan din lang kasi siya e.. Kung magmamahal ka, make sure na malaya ka na from the pain that I'm giving you now.."