Days passed.. One week na lang, graduation na namen..
Tumawag si Daddy..
"Hello Dad.."
"Red.. Tama ba yung sabi ni mommy mo, next Saturday daw graduation mo?"
"Opo dad.."
"Sige.. Pupunta kami jan.. Kaming apat.."
"Sasama nio pa po yung dalawa?? Wag na dad.. Magpapacute lang yun dito e.."
"Hehehe.. Yaan mo na.. Gusto na din magbakasyon e.."
"Sige po dad.. Pero dad.. Regaluhan mo naman ako.. Cellphone.. Kahit yung wala pong camera.."
"Baket? Anong top mo na ba??"
"Dad.. Valedictorian ako.."
"Wag mo kong pinaglololoko.. Kukutusan kita.."
"Basta dad.. Yung cellphone po.. Yung mura lang.. Kahit walang camera.. Basta Nokia.."
"Sige sige.. Hingin na lang naten yung kay Jana.. Nagpalit ng phone e.."
"Eee dad.. Yung bago po.. Yung may box.."
"Tanga ka.. De camera yung kay Jana.. Tatanungin ko kung nasa kania pa yung box.."
"O sige po dad.. Kelan po kayo pupunta?"
"Baka Thursday o Friday next week.. Basta bago yung graduation mo, nanjan na kami.."
"O sige po dad.. Dad yung phone ha.."
"Oo nga.."
"Thank you dad..!!"
And you read it right.. Ako ang Class Valedictorian.. Pero hindi ako masaya.. Kasi ang gusto ko sana, si Angela ung mag-Top 1.. Actually, sa academics, siya talaga.. Top 2 ako, top 3 si Yollai.. Kaso nung sinum-up ung mga extracurricular points, medio naungusan namen ni Yollai si Angela.. Ako yung Top 1, si Yollai yung top 2, si Angela yung Top 3.. Actually, malayo yung agwat..
Hindi ko sinama yung ibang sinalihan ko pero yung mga coaches and advisers yung naglagay nung mga points e.. Example, hindi ko nilagay sa list ko na Varsity ako ng Sepak Takraw.. Hindi ko din nilagay na lumaban ako ng declamation sa isang event.. Tapos hindi ko na rin ininclude na CAT officer ako.. Kasi nga nademote ako di ba..? Kaso nilagay pa din nung mga coaches and teachers.. Pati yung commandant namen, siya yung nagdeclare na CAT officer pa din ako.. So kung extracurricular ang paguusapan, masyadong mataas yung points ko.. Kaya ako ang valedictorian..
Hindi pa naniniwala si Daddy.. Hahaha.. Nganga siya saken sa graduation..Nagdate pa ulit kami ni Angela that Sunday.. Pumunta kami sa beach.. Medio hapon na para romantic.. Hehehe..
Nakaupo lang kami sa buhanginan.. Hindi kami nagdala ng panligo kasi wala naman kaming balak maligo.. Gusto lang naming pagmasdan yung paglubog ng araw.. Inaalala namen kung pano kami nagsimula.. Mula nung unang araw ko sa school..
"Siguro nung first day ko pa lang sa school, nagka-crush ka na saken agad no..?" sabi ko..
"Wow.. Ang hangin masyado dito ah.." sabi nia..
"Bakit ba ayaw mong aminin?"
"Anong aaminin ko, e sa hindi naman talaga kita gusto dati e.. Ang yabang-yabang mo.."
"Talaga lang ha.. Kahit tinulungan kita dun sa pinapabasa sayo.."
"Hoy! Alam ko basa dun.. Excuse me.."
"Wew nemen.. Kahit pinagpapawisan ka na nga nung malapit ka ng tawagin.."
"Ikaw.. Ang yabang mo.." tas hinampas-hampas na naman nia ko sa balikat.."
BINABASA MO ANG
My Angel (Completed)
Romance"You know what.. Wag muna.. Until all your pain is gone.. Baka masaktan din lang kasi siya e.. Kung magmamahal ka, make sure na malaya ka na from the pain that I'm giving you now.."