7. Beautiful Blunder

145 22 0
                                    

Kinabukasan..

After uwian, sumibat agad ako papuntang bayan.. Sa palengke..

"Mgakano po kilo nito.." tinuro ko ung isda.. Hindi ko alam tawag dun e.. Parang tulingan pero mas malaki..

"Tambakol? P140 ang kilo.." sabi nung tindera..

"Isang kilo po.."

Tas habang tinitimbang nung babae ung isda;

"Kayo po ba si ate Bheng?" tanong ko..

"Oo baket?"

"Ahmm.. Tatanong ko po sana kung magkano pa po yung utang sa inio ni Angela.."

"Si Anghela?? Baket?? Babayaran mo na?" natatawa niang tanong..

"Opo sana.." sagot ko.. At medio nagulat siya..

"Baket?? Sino ka?? Nobyo ka ba nia??"

"Ay hindi po.. Kaibigan lang po.."

"Pinapabayaran nia sayo??"

"Hindi po.. Gusto ko lang po siyang tulungan.. Wag nio po sanang sasabihin na ako yung nagbayad.." sabi ko..

"Nanliligaw ka ba?? Buti pumayag si Anghelang magpaligaw.."

"Ay hindi po.. Kaibigan ko lang po talaga siya.."

Medio duda pa din ung tingin nia saken..

Inabot nia saken ung plastic na may isda..

"saglit lang at kekwentahin ko ung balanse nia.."

Kinuha ko na din ung wallet ko..

"P2000 na lang.. Bale P2140 lahat.." sabi nia..

Inabot ko yung eksaktong bayad..

"Ma'am.. Bayad na po ung utang ni Angela.. Pero pwede po bang patulungin nio pa rin siya dito tuwing weekend.. Para po may income pa din siya?" pakiusap ko..

"Ay oo naman.. Kailangang-kailangan ko ng tao dito.. Hayaan mo, always welcome siya dito saken.."

"Maraming salamat po ate Bheng.."

"Thank you din.."

Habang nagdadrive ako pauwi, tinatanong ko ang isip ko.. "Bakit ko ba 'to ginagawa??" Oo, nagtataka na din ako.. Kasi hanggang ngayon, firm ung belief ko na hindi ko siya liligawan.. Gusto ko lang talaga siyang tulungan.. Yeah, i would admit, special siya saken.. Gusto ko siya.. Pero hanggang dun lang yun.. Ok lang kahit one sided.. Basta masaya ako pag natutulungan ko siya.. Pero naiisip ko din, hindi kaya sobra na 'tong ginagawa ko?? Anong mapapala ko dito?? Walang return of investment?? Ewan.. Magulo.. And this is something na hindi na dapat malaman ng iba..


"Tiya, may dala po akong isda.." sabi ko kay tiya Linda..

"Baket?? Galing ka sa bayan..?"

"Opo, pinaayos ko yung cellphone ko.. Nagloloko na po e.." ayan.. Nagsisinungaling na din ako.. Masama na yata 'to..

"Anong isda yan??"

"Tambak po.. Masarap daw pong ihawin 'to.. O kaya prito.."

"Anong tambak?? Patingin nga.." tas kinuha nia ung plastik..

"Ahhh.. Tambakol.." sabi nia..

Tanginang yan.. Tambak amputa.. Isdang tambak.. Nabobo na naman ako..

A week passed.. Next monday..

"Jared, pwede ba tayong magusap??" si Angela.. Mukhang alam ko na 'to..

My Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon