8. Just Let Me..

184 22 8
                                    

Intrams na ulet.. Ganun ulet ung format.. Lahat ng year levels, hahatiin sa dalawang teams.. Nagkataon, magkasama ung section namen tsaka ung section ni Ivan.. Ung dating nakalaban namen sa Sepak Takraw.. Yung mahusay.. Medio kampante kami na magcha-champion na kame..

"Buti na lang magkakampi na tayo.. Sigurado tayo na magchachampion.." sabi ni Prince kay Ivan..

"Swerte nio.. Kasi kung dun ako sa kalaban napunta, ilalampaso ko ulet kayo.." sagot nia.

"tangina.. ang yabang neto ah.." naisip ko..

Napahiya si Prince.. Why not..? it's just a friendly chat.. Actually may kasama pa ngang papuri yun e.. Acknowledging how good he(Ivan) is.. And swerte kami kasi kakampi na namin siya.. Pero ang angas nitong kupal na 'to..

First game.. Ung isang team ng 3rd year ang kalaban namen..

"Kayo na lang muna ang lumaro..

Nagkatinginan kaming apat.. Si Prince, si Will tsaka si Dexter.. Medio nabibwisit na ko sa kayabangan nitong gagong 'to..

"Tara.. kaya naten 'to.." sabi ko..

Kaming tatlo muna ang sumalang.. Next set na si Will.. medio mahina pa siya e.. Pero mahina din 'tong kalaban namen.. 21-4 ang score.. panalo kame.. Second set, umupo si Prince, si Will ang nagtake nung position nia.. 21-10.. tapos ang game.. Piece of cake..

Second game nung hapon.. Mga third year ulet.. Ganun pa din set-up.. Hindi pa din naglaro si Ivan..
21-10, 21-9.. panalo ulet kame..

Then kinabukasan, yung isang 4th year team na kalaban namen..

"Lalaro ka na ba?" tanong ko kay Ivan..

"Oo.. Pero kinausap ko na si Sir Luarca.. Dun ako lalaro sa kabilang team.. para may challenge naman.." tas ngumiti pa siya nung sobrang mayabang na ngiti..

"Tangina pre, sasapakin ko na yan.." sabi ni Will..

"Oo nga e.. kahapon pa tayo inaangasan nian.." sabi ko..

"Relax mga brader.. galingan na lang naten.. kaya na naten yan.. palagi naman tayong nagpa-practice e.." sabi ni Dexter..

"Oo nga no.. kahit kelan, hindi sumali sa practice yan.." si Prince..

"Tara.. Talunin naten yan.." sabi ko..

First set.. Medio mas maganda na yung laban.. Hindi namen maintindihan, kasi pakiramdam namen, gumaling na kame.. as in malayo na dun sa unang beses naming maglaro.. Pero bakit hindi kami makalusot kay Ivan..? Bakit nahihirapan kaming sumalo ng mga palo nia..? Kung ball control lang ang pag-uusapan, kaya naming sumabay.. kabisado na namen ung bola.. Pero ung attack, spikes and blocks, medio malayo pa din ang agwat namen kay Ivan.. First set, 21-11.. talo kame..

Second set.. Hindi maglalaro si Ivan.. Nagpahinga din muna si Dexter.. Pinalitan siya ni Will..

OK naman yung laban.. nakaka-score kame.. Scoring at will.. mahina depensa nila.. Wala na din silang attack.. Ginanahan pa kame nung dumating na ung mga "cheerers" namen.. Nanonood si Hannah.. I tried to look for Angela pero hindi ko siya makita..

Medio kinarne namen ung kalaban.. 21-13.. Panalo kame.. Nakatingin samen si Ivan.. nakangiti.. alam mo ung nangaasar na nagyayabang..

Final set.. Tumayo na si Ivan.. Lalaro na siya.. nagpapalit na din si Will kay Dexter..

Iba pakiramdam ko ngayon.. parang gusto kong manalo.. gusto kong ipahiya 'tong gagong 'to.. Kaya namen 'to..

Kaso pare-pareho yata kaming ninenerbyos.. Nawawalan kami ng ball control.. Tas panay ang bayo ni Ivan.. 9-2 ang score.. Tambak kami.. Napa-time out kami bigla..

My Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon